San Pablo City – Nahirang ng National Federation of Women’s Clubs of the Philippines na Most Outstanding Provincial Federation ang San Pablo City Federation of Women’s Clubs, Laguna na pinamumunuan ni Gng. Eva Ticzon noong ika- 18 ng Setyembre sa 40th National Biennal Convention nito.
Agad namang nagpaabot ng kagalakan at pagbati sina Mayor Vicente B. Amante at City Administrator Loreto “Amben” S. Amante sa pamunuan ng naturang pederasyon. Nagpaabot rin ang Punonglunsod ng pasasalamat sa mga ito sa walang sawa nitong pagsuporta sa mga programang pangkababaihan ng pamahalaang lokal gayundin sa paglulunsad ng mga ito ng mga kapaki-pakinabang na mga programang nagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng mga kababaihan.
Ipinagkaloob ang naturang parangal sang-ayon sa desisyon ng mga miyembro ng Board of Directors ng Committee on Awards ng NFWC sa pagbibigay nito ng mga meritorious services sa komunidad sa pamamagitan ng pag-iimplementa ng mga makabuluhang proyekto sa kapakinabangan ng bawat mamamayan lalo’t higit ang kababaihan at mga kabataan. (CIO-San Pablo)
No comments:
Post a Comment