San Pablo City – Napaningning ni City Administrator Loreto “Amben” S. Amante ang unang araw pa lamang ng linggo ng ianunsyo nito ang magandang balita na ibibigay na ang extra bonus sa lahat ng mga kawani ng pamahalaang local. Ito announcement ay ginawa sa Pagtataas ng Watawat noong Lunes, Disyembre 13 sa One Stop Processing Center.
Tila nabuhayan ng loob ang mga kawani ng pabulaanan ng Administrador ang bali-balitang hindi ibibigay ang inaasahang 10 libong extra bonus na una ng ipinangako ni President Noynoy Aquino para sa lahat ng mga kawani ng gobyerno. Tuwirang sinabi ni City Admin Amben na mapapabigay ang unang 5 libo bago pa man sumapit ang Christmas rush at ang karagdagang 5 libo bago naman sumapit ang kapistahan ng Lunsod.
Samantala, hindi rin naman binigo ni City Admin ang humigit kumulang na 1 libong mga casual employees ng pamahalaang lokal sapagkat binanggit rin nito na una silang bibigyan ng extra bonus na nagkakahalaga ng 2 libo. Idinagdag rin nito na sa darating na Enero ay awtomatikong matatanggap ng mga regular na manggagawa ang 25% increase sa kanilang mga sahod samantalang karagdagang 50 piso naman sa mga casual employees.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Vicente B. Amante sa pamamagitan ni City Admin Amben sa mabilis na pagtugon ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni Vice Mayor Angie E. Yang sa urgent request nitong realignment ng pondo buhat sa savings ng pamahalaang lokal upang sa gayon ay agad ring maibigay ang extra bonus ng mga kawani. Lubos naman ang kagalakan ng mga kawani sa napakalaking biyayang matatanggap lalo ngayong inaasahang malaki ang magiging kagastusan sa pagsapit ng kapaskuhan. (CIO- San Pablo)
No comments:
Post a Comment