San Pablo City - Isinagawa ng Red Cross –SPC Chapter ang kanilang Red Cross 143 Investiture sa One Stop Processing Center kasunod ang Blood Letting Activity sa PAMANA Covered Court nuong Dec. 9. Mayroong 132 na mga bagong participants ang napagkalooban ng mga sertipiko buhat sa iba’t ibang barangay ng Lunsod. Ang mga seritpiko ay pagpapatunay na ganap na silang mga miyembro ng Red Cross 143 at handang makatuwang ng iba pang mga volunteers ng Phil. Red Cross-SPC Chapter sa pagbibigay ng mga libreng serbisyo sa mamamayan.
Pinangunahan ng mga sundalo ng 202nd Infantry Brigade ang pagdodonate ng dugo sa isinagawang blood letting. Nakiisa rin dito ang ilang kapulisan sa pamumuno ni PSupt. Leo Luna, ilang private individuals at mga kawani ng pamahalaang lunsod.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Vicente B. Amante sa pamunuan ng Red Cross sa walang sawa nitong pagtugon sa mga pangangailangan ng taumbayan lalo na yung buhat sa mahihirap na pamilya. Ang Red Cross-SPC Chapter ay kaisa ng lokal na pamahalaan sa pagkakaloob ng dugo sa mga nangangailangan sa loob ng maraming taon. Naging matagumpay rin ang proyekto sa pakikipagtulungan ng City Health Office at City Mayor’s Office. (CIO-San Pablo)
No comments:
Post a Comment