San Pablo City- Naging malaking selebrasyon ang pagpasok ng simoy ng kapaskuhan sa Lunsod ng San Pablo nuong Biyernes ng gabi, Dec. 10 nang pamunuan ni City Admin. Amben Amante at ng kanyang pamilya ang pagbubukas ng mga cherry blossoms decorations at mga LED lights sa oval ng City Plaza. Ito ay sariling ideya ni City Admin. at ang kauna-unahang programang naisagawa sa lunsod upang maging hudyat ng selebrasyon ng kapaskuhan.
Ang pagpapailaw ng mga Christmas decorations na ito ay sinimulan muna ng isang musical program na nilahukan ng iba’t-ibang chorale sa lunsod. Umawit ng iba’t-ibang Christmas songs ang DLSP Chorale, Central School Choir, Sancti Joannis, Bb. Reylin Sy ng OSCA, at mga individual talents ni Mr. Noli Bigol at ang kanyang grupong Bridge & Chorus.
Naging highlights din ng programa ang isang video presentation na may temang “Hiling sa Pasko” na kung saan ipinakita ang mga kawani ng Pamahalaang Lunsod at ilang mahalagang programa ni Mayor Vicente Amante. Ang ginamit na kanta sa nasabing video ay isang original composition ni Mr. Noli Bigol sa kahilingan naman ni City Admin.
Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang proyektong ito. Sa Sangguniang Panlunsod sa pamumuno ni Vice-Mayor Angie Yang, sa tanggapan ng Tourism Affairs, City Information, Engineering, GSO, PSAF, PNP, sa mga pinuno at kawani ng iba pang departamento at mga pribadong samahan, kanyang pinaaabot ang lubos niyang pasasalamat at kagalakan sa masayang pagsalubong sa darating na kapaskuhan sa lunsod. Nangako rin siya na sa mga susunod na pasko ay mas lalo pang maganda at makulay ang gagawing programa.
Upang lalo pang maging makulay ang programa ay nagkaroon din ng isang fireworks display na lalo pang nagbigay kasiyahan sa lahat ng dumalo at nagbigay ng pag-asa na magiging maganda at masagana ang darating nilang kapaskuhan. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment