Powered By Blogger

Thursday, December 16, 2010

PASKUHAN AT TANIMAN SA ATISAN

San Pablo City- Masuwerte ang Brgy. Atisan ng Lunsod ng San Pablo na pangalawang barangay sa Lalawigan ng Laguna na pinagkalooban ng programang “Paskuhan at Taniman” ng PNP Laguna Provincial Office. Ang programang  pinamumuan ni PSSupt. Gilbert Cruz, PNP Provincial Director kasama ng iba’t-ibang Chief of Police at police personnel ng mga bayan sa Laguna ay nagsagawa ng tree planting at gift giving nuong Dec. 14 ng umaga.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang biking marathon nina PSSupt. Cruz, PSupt. Leo Luna ng SPC-PNP at mga police officers at personnel ng mga bayan ng Los Banos, Pila, Luisiana, Nagcarlan, Sta. Cruz at Magdalena.

Ayon kay PD Cruz ito ay isang maagang pamasko para sa mga kabataan ng Atisan. At ang kanilang ginawang biking marathon ay hindi lamang exercise kundi pagpapakita rin ng pagmamahal sa kalikasan. Dagdag pa niya na layunin nilang lalong makilala at mapalapit ang mga kapulisan sa mga tao lalo’t higit sa mga kabataan  kaya nagsasagawa ng ganitong programa ang Laguna Provincial Office ng PNP sa iba’t-ibang lugar sa Lalawigan ng Laguna.

Mayroon din silang mga pulis na nagdamit Santa Claus na siyang namigay ng pagkain at mga laruan sa lahat ng mag-aaral ng Atisan Elem. School. Pagkatapos nito ay isinagawa ang tree planting ng mga mahogany seedlings sa kahabaan ng kalsada ng barangay. Nagkaroon din ng isang salu-salo ang lahat ng nakiisa sa nasabing proyekto.

Dumalo at nakiisa rin sa programa sina Brgy. Chairman Renato Guevarra, Mr. Almario-School Principal, CENRO Mon de Roma bilang kinatawan rin ni City Admin. Amben Amante, CIO Staff at mga representatives ni Vice-Mayor Yang. Nagsilbi namang seguridad sa lugar ang mga miyembro ng 202nd Infantry Battalion. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment