Powered By Blogger

Sunday, December 12, 2010

KGG. GENER B. AMANTE MULING NAHALAL NA ABC PRESIDENT NG LUNSOD NG SAN PABLO

San Pablo City- Sa isinagawang Liga ng Barangay Election noong Dec. 7 sa DLSP Library nahalal na muli si Brgy. Chairman Gener B. Amante ng Brgy. San Jose bilang Presidente ng Liga. Nakakuha ng kabuuang 78 votes si Chairman Amante mula sa 79 bumotong barangay chairman ng Lunsod ng San Pablo. Absent si Chairman Jun Cuello ng Brgy. San Nicolas sapagkat ito ay nasa Agusan at isa namang chairman ang hindi bomoto.

Nagsimula ang canvassing ng mga balota ganap na 11:05 ng umaga kung saan nahalal ring muli  si Chairwoman Carmelita Amante ng Brgy. Sta. Maria Magdalena bilang Vice-President na nakakuha rin ng 78 votes. Nahalal namang Auditor si Chairman Eduardo Ruidera ng Brgy. Sto. Cristo na nakakuha ng 75 votes.

Ang mga nahalal namang Board of Directors ay sina Chairman Buhay Espiritu ng  Brgy. Bagong Bayan (68 votes), Chairman Napoleon Calatraba ng  Brgy. del Remedio (67 votes), Chairman William Pujanes ng Brgy. II-F (65 votes), Chairman Balbino Escueta ng Brgy. San Juan (62 votes), Chairman Ernesto Carreon ng Brgy. Bagong Pook (61 votes), Chairman Crisanto Almare ng Brgy. Sto. Cristo (59 votes), Chairman Dorben Roan g Brgy. Sta. Elena (55 votes) at Chairman Leonardo Villanueva ng Brgy. II-B (55 votes).

Maayos at matagumpay naisagawa ang eleksyon sa pamamatnubay ng election supervisors na sina LGOO Marciana Brosas ng DILG, COMELEC Officer Patrick Arbilo, Mr. Jose Torres mula sa religious sector, Dr. Edelio Panaligan ng DLSP mula sa academe sector. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment