Powered By Blogger

Sunday, December 12, 2010

NATIONWIDE BARANGAY ASSEMBLY DAY SA DEC. 11

San Pablo City – Isasagawa ang Barangay Assembly sa buong bansa sa darating na Sabado, Dec. 11 ayon sa MC 2010-137 ng DILG at batay na rin sa Proclamation No. 74 ni Pres. Benigno S. Aquino III. Gagawin ang brgy. assembly upang ang mga bagong barangay officials ay makilala ang kanyang mga kabarangay at upang maipatupad ang pamantayan ng transparency, responsiveness, accountability  at participation sa barangay level.

Ayon kay DILG-LGOO Marciana Brosas inaasahan na ang lahat ng barangay chairman at kagawad ay magsasagawa ng iba’t-ibang activities upang maging matagumpay ang kanilang brgy. assembly. Kailangang ipresent ang current state of development at financial status ng barangay; magkaroon ng consultations/discussions sa kanilang proposed plans at programs para sa darating na 3 taon; discussion ng DILG MC 2010-122 (Guideposts in Promoting and  Sustaining Barangay Good Governance); gagawin rin ang “Panunumpa Para sa Mabuting Pamamahala Tungo sa Tuwid na Landas” at pagpapatupad ng DILG program na “Biyaheng Pinog:Tapat na Palakad, Bayang Maunlad”.

Ayon rin sa Memorandum Circular maaari ring magsagawa ang barangay ng mga tiangge, cultural presentations at iba pang makaka-engganyong activity upang magbigay kaalaman at lumakas ang partisipasyon ng residente ng bawat barangay.

Inaatasan rin ang lahat ng governors at city/municipal mayors na siguraduhin na magsasagawa ang lahat ng nasasakupang barangay ng nasabing assembly. At inaaasahan rin ang kanilang assistance upang maging maayos at matagumpay ang nasabing activity. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment