Powered By Blogger

Tuesday, December 28, 2010

A school rises from used plastic bottles in Philippines

San Pablo City (Philippine Daily Inquirer/ANN) - Soda drinkers are helping address a shortage of classrooms in this town while, at the same time, saving the environment.
Empty plastic bottles are being collected to build a school with eight classrooms at Barangay San Jose. The containers are put together with cement pretty much like bricks.
The collection under the project, dubbed "Plastic Bottles Mo, Kinabukasan Ko" (Your Plastic Bottles, My Future), has so far resulted in the basic structure of the school. The bottles serve as walls of the building with a roof of corrugated iron and concrete posts.
It may well be the prototype of a school that could be a familiar sight in many impoverished villages across the country, said Angelica Jones-Alarva, a project proponent.
The project, unveiled during the birthday party for Alarva's mother Beth Jones at the school ground, is being undertaken in partnership with the Shelter Foundation Inc. headed by Illac Diaz as executive director.
Donations
Every empty plastic bottle of soft drinks donated to the construction site is a tremendous help in building facilities to the nation struggling to provide universal access to basic education, Diaz said.
"Instead of just throwing away empty plastic bottles of soft drinks, which could pollute the environment for 700 years, they should instead be collected and donated to construct school buildings," he said.
Jones said the project was made possible by Mayor Vicente Amante and the city council of San Pablo, which donated the lot for the school.
Laguna Gov. Jeorge ER Ejercito and various private sponsors and donors were also instrumental in the construction of the building, Jones said.
COPYRIGHT: ASIA NEWS NETWORK

Thursday, December 16, 2010

PASKUHAN AT TANIMAN SA ATISAN

San Pablo City- Masuwerte ang Brgy. Atisan ng Lunsod ng San Pablo na pangalawang barangay sa Lalawigan ng Laguna na pinagkalooban ng programang “Paskuhan at Taniman” ng PNP Laguna Provincial Office. Ang programang  pinamumuan ni PSSupt. Gilbert Cruz, PNP Provincial Director kasama ng iba’t-ibang Chief of Police at police personnel ng mga bayan sa Laguna ay nagsagawa ng tree planting at gift giving nuong Dec. 14 ng umaga.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang biking marathon nina PSSupt. Cruz, PSupt. Leo Luna ng SPC-PNP at mga police officers at personnel ng mga bayan ng Los Banos, Pila, Luisiana, Nagcarlan, Sta. Cruz at Magdalena.

Ayon kay PD Cruz ito ay isang maagang pamasko para sa mga kabataan ng Atisan. At ang kanilang ginawang biking marathon ay hindi lamang exercise kundi pagpapakita rin ng pagmamahal sa kalikasan. Dagdag pa niya na layunin nilang lalong makilala at mapalapit ang mga kapulisan sa mga tao lalo’t higit sa mga kabataan  kaya nagsasagawa ng ganitong programa ang Laguna Provincial Office ng PNP sa iba’t-ibang lugar sa Lalawigan ng Laguna.

Mayroon din silang mga pulis na nagdamit Santa Claus na siyang namigay ng pagkain at mga laruan sa lahat ng mag-aaral ng Atisan Elem. School. Pagkatapos nito ay isinagawa ang tree planting ng mga mahogany seedlings sa kahabaan ng kalsada ng barangay. Nagkaroon din ng isang salu-salo ang lahat ng nakiisa sa nasabing proyekto.

Dumalo at nakiisa rin sa programa sina Brgy. Chairman Renato Guevarra, Mr. Almario-School Principal, CENRO Mon de Roma bilang kinatawan rin ni City Admin. Amben Amante, CIO Staff at mga representatives ni Vice-Mayor Yang. Nagsilbi namang seguridad sa lugar ang mga miyembro ng 202nd Infantry Battalion. (CIO-SPC)

“HILING SA PASKO 2010”, CHRISTMAS LIGHTING PROJECT NINA MAYOR VIC AMANTE AT CITY ADMIN. AMBEN AMANTE

San Pablo City- Naging malaking selebrasyon ang pagpasok ng simoy ng kapaskuhan sa Lunsod ng San Pablo nuong Biyernes ng gabi, Dec. 10 nang pamunuan ni City Admin. Amben Amante at ng kanyang pamilya ang pagbubukas ng mga cherry blossoms decorations at mga LED lights sa oval ng City Plaza. Ito ay sariling ideya ni City Admin. at ang kauna-unahang programang naisagawa sa lunsod upang maging hudyat ng selebrasyon ng kapaskuhan.

Ang pagpapailaw ng mga Christmas decorations na ito ay sinimulan muna ng isang musical program na nilahukan ng iba’t-ibang chorale sa lunsod.  Umawit ng iba’t-ibang Christmas songs ang  DLSP Chorale, Central School Choir, Sancti Joannis, Bb. Reylin Sy ng OSCA, at mga individual talents ni Mr. Noli Bigol at ang kanyang grupong Bridge & Chorus.

Naging highlights din ng programa ang isang video presentation na may temang “Hiling sa Pasko” na kung saan ipinakita ang mga kawani ng Pamahalaang Lunsod at ilang mahalagang programa ni Mayor Vicente Amante. Ang ginamit na kanta sa nasabing video ay isang original composition ni Mr. Noli Bigol sa kahilingan naman ni City Admin.

Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang proyektong ito. Sa Sangguniang Panlunsod sa pamumuno ni Vice-Mayor Angie Yang, sa tanggapan ng Tourism Affairs, City Information, Engineering, GSO, PSAF, PNP, sa mga  pinuno at kawani ng iba pang departamento at mga pribadong samahan, kanyang pinaaabot ang lubos niyang pasasalamat at kagalakan sa masayang pagsalubong sa darating na kapaskuhan sa lunsod. Nangako rin siya na sa mga susunod na pasko ay mas lalo pang maganda at makulay ang gagawing programa.

Upang lalo pang maging makulay ang programa ay nagkaroon din ng isang fireworks display na lalo pang nagbigay kasiyahan sa lahat ng dumalo at nagbigay ng pag-asa na magiging maganda at masagana ang darating nilang kapaskuhan. (CIO-SPC)

SAN PABLO CITY FEDERATION OF WOMEN’S CLUBS, LAGUNA NAHIRANG NA MOST OUTSTANDING PROVINCIAL FEDERATION

San Pablo City – Nahirang ng National Federation of Women’s Clubs of the Philippines na Most Outstanding Provincial Federation ang San Pablo City Federation of Women’s Clubs, Laguna na pinamumunuan ni Gng. Eva Ticzon noong ika- 18 ng Setyembre sa 40th National Biennal Convention nito.

            Agad namang nagpaabot ng kagalakan at pagbati sina Mayor Vicente B. Amante at City Administrator Loreto “Amben” S. Amante sa pamunuan ng naturang pederasyon. Nagpaabot rin ang Punonglunsod ng pasasalamat sa mga ito sa walang sawa nitong pagsuporta sa mga programang pangkababaihan ng pamahalaang lokal gayundin sa paglulunsad ng mga ito ng mga kapaki-pakinabang na mga programang nagbibigay proteksyon sa mga karapatan  ng mga kababaihan.

            Ipinagkaloob ang naturang parangal sang-ayon sa desisyon ng mga miyembro ng Board of Directors ng Committee on Awards ng NFWC sa pagbibigay nito ng mga  meritorious services sa komunidad sa pamamagitan ng pag-iimplementa  ng mga makabuluhang proyekto sa kapakinabangan ng bawat mamamayan lalo’t higit ang kababaihan at mga kabataan. (CIO-San Pablo)

GNG. JASMIN DELA CRUZ VDA. AQUINO NAHIRANG NA OUTSTANDING MOTHER 2010

San Pablo City – Pinarangalan ng Laguna & San Pablo City Federation of Women’s Club sa pamumuno ng Presidente nitong si Gng. Eva Ticzon si Gng. Jasmin dela Cruz Vda. Aquino ng Brgy. San Nicolas bilang Outstanding Mother 2010 noong ika-13 ng Disyembre. 
           
Si Gng. Jasmin  Aquino ay panganay sa limang magkakapatid at anak nina G. Feliciano dela Cruz ng Brgy. San Rafael at Anacleta Bicomong ng San Gregorio, Alaminos, Laguna. Sa murang edad na 12 anyos ay naulila na sa ina kung kaya’t bilang panganay sa magkakapatid ay siyang tumayong ina sa mga nakababatang mga kapatid. Kalauna’y nakaisang dibdib ni G. Severino Aquino kung saan  ay nagkaroon sila ng  pitong mga supling na sa kasalukuyan ay pawang mga matatagumpay sa kanilang mga napiling larangan.

Nakapag-umpisa ng isang maliit na negosyong patahian na siyang tumupad sa mga munti nilang pangarap ng kabiyak. Sa kabila ng pagiging abala sa kanilang negosyo ay hindi rin nalimutan ng ginang na lumahok sa iba’t ibang organisasyon na lalong nagpaunlad sa kaniyang kaalaman at pakikipag-kapwa tao.  

Samantala, nagpaabot naman si Mayor Vicente B. Amante ng pagbati sa nahirang na Outstanding Mother 2010. Lalo pa nitong ikinagalak na si Gng. Aquino ay nakatakda ring parangalan sa mga susunod na araw bilang Laguna’s Outstanding Mother 2010.  Buong puso nitong pinuri  ang Ginang sa  hindi nito matatawarang kadakilaan bilang ina ng 7 pawang  matatagumpay na supling gayundin sa mga kontribusyon nito sa pamayanan. Si Mayor Amante ay ang tumatayong sponsor ng Outsatnding Mothers buhat taong 1992 hanggang sa kasalukuyan. Isinagawa ang espesyal na okasyon sa One Stop Processing Center na  may temang “Walang Makakahigit sa Kadakilaan ng Bawat Ina”. (CIO-San Pablo)