San Pablo City – Tumaas sa kabuuang P3,606,685.450.00 ang halaga ng nakolektang taxable assessed value ng City Assessor’s Office para sa Lunsod ng San Pablo noong taong 2010 ayon sa ulat ng pinuno nitong si G. Celerino Barcenas noong February 21 sa isinagawang lingguhang pagtataas ng watawat na pinamuan ng kanilang tanggapan.
Ayon pa sa ulat, tinatayang nasa P196,030,760.00 halaga ang itinaas ng total taxable assessed value noong taong 2010 kumpara sa taong 2009 na may kabuuang nakolekta na P3,410,654,690.00. Sinabi pa ni Barcenas, na ang kanilang tanggapan ay kumpiyansa na sa pamamagitan ng masidhing dedikasyon at mahusay na pamamalakad ni Mayor Vicente B. Amante sa pamahalaang lokal ay lalo pang mapapalago ang kita ng Lunsod sa pamamagitan ng Real Estate Taxes.
Sa huli’y sinabi ng pinuno ng Tanggapn ng Assessor na ang patuloy na suporta at inspirasyong ipinagkakaloob ng Punonglunsod gayundin ni City Administrator Loreto “Amben” S. Amante ang siya ring pangunahing nagtutulak sa kanilang tanggapang upang lalong paghusayin ang kalidad ng admninistrasyon sa pagkolekta ng Real Property Tax. (CIO-San Pablo)
No comments:
Post a Comment