Powered By Blogger

Thursday, February 17, 2011

PLAYER NG AZKALS DUMALAW SA LUNSOD NG SAN PABLO


San Pablo City- Dumalaw sa Lunsod ng San Pablo at nag-courtesy call nuong Pebrero 11 kay City Admininistrator Loreto S. Amante si John Albert Dumaraos Frias, ang pinakabatang  kagawad ng Philippine National Football Team  na kilala sa katawagang Azkals. Matatandaan na tinalo ng Azkals ang Mongolia sa isang pre-qualifying match nuong Pebrero 9 na ginanap sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Sa edad na 16 at sa taas na 5’6” siya ang pinakabatang team member sa 30 manlalaro ng Team Azkals. Nagsimula siyang maglaro ng football sa Italy nung 9 na taong gulang pa lang. Siya ay naglalaro sa middle light left position.

Bagamat isinilang sa Torino, Italya, si Jojo Frias ay isang full-blooded Filipino, sapagkat ang kanyang amang si Abel Villapando Frias, at inang ang dating Aileen Lyle Dumaraos ay pawing Filipino. Maituturing na siya ay dugong San Pableno sapagkat ang kanyang ina na si Gng. Aileen Lyle Dumaraos-Frias ay anak ni Dr. Benilda Dumaraos ng Barangay San Buenaventura at kasalukuyang Vice-President for Administration ng DLSP.

Bunso sa limang magkakapatid, siya ay ipinanganak nuong Hulyo 27, 1994 sa Torino, Italy kung saan rin lumaki at nag-aaral sa kasulukuyan ng kursong Mechanical Engineering sa Instituto Galilei.

Nasisiyahan ang liderato ng pangasiwaang na isang na namang dugong San Pableno ang nagbibigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng sports. (CIO/San Pablo City)

No comments:

Post a Comment