Powered By Blogger

Thursday, February 17, 2011

FORUM ON COOPERATIVE COMPLIANCE


SAN PABLO CITY-Ginanap ang forum on Cooperative Compliance sa ABC Hall sa Lungsod ng San Pablo sa ganap na ika-1 ng tanghali noong Pebrero 16 taong kasalukuyan. Ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang asosasyon ng maliliit na mamumuhunan mula sa San Pablo, Rizal at Alaminos.
            Ipinakilala ni Ms. Flor L. Garcia, Cooperative Development Specialist II ang mga nagsipagdalo sa nasabing pagtitipon. Nagbigay naman ng pambungad na pananalita si MS. Concepcion M. Biglete, City Cooperative Officer patungkol sa bagong batas na R.A 9520 Article 53 o kilala din sa tawag na Philippine Cooperative Code of 2008.
            Nagbigay naman ng karagdagang mensahe si Hon. Angie E. Yang, City Vice Mayor,  sa pamamagitan ng kanyang representante na si Mr. Tony Regoris, Administrative Officer. Ang kanyang mensahe ay nagbigay diin sa kahalagahan ng pagtangkilik at pagsuporta ng bawat miyembro sa kooperatiba.
            Ang Cooperative Compliance ay lalo pang pinalawig ni Ms. Celeste M. Castro, Coopertaive Development Specalist II. Ibinigay niya ang mga dapat isumite ng bawat kooperatiba, ito ay ang; Cooperative Annual Report, Audited Financial Statement na dapat ay duly stamped ng BIR at list of officers and training undertaken for 2010.
            Binigyan din ng oras ang mga katanungan ng mga negosyante tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa pagnenegosyo.
            Nagbigay naman si Ms. Loida B. Dantic, Chairperson, Saint Paul Cooperative Union ng pang-wakas na mensahe para sa mga miyembro ng kooperatiba.
            Sa kabuuan, naging matagumpay ang nasabing forum para sa mga opisyal at kasapi ng kooperatiba. (Queenie Rose & Lee Anne/ CIO –SPC)

No comments:

Post a Comment