San Pablo City – Matagumpay na naisagawa ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Job D. Brion ang paglulunsad ng kampanya tungo sa isang Healthy Lifestyle. Ang Healthy Lifestyle ay isang nasyunal na programa na una ng inilunsad ng Department of Health para sa mga opisyal at ordinaryong manggagawa ng gobyerno.
Samantala, bilang pakikiisa ng pamahalaang lokal ay agad pinasimulan ng mga kawani ng CHO ang sama-samang pag-eehersisyo noong nakaraang Miyerkules ng hapon, February 16 sa Doña Leonila park. Ayon kay Dr. Brion, mahalagang mapanatiling malusog ang pangangatawan ng mga empleyado upang mas maging produktibo ang mga ito. Idinagdag pa nito na panahon na upang ang kalusugan ay gawing prayoridad at pagtuunan ng pansin upang makaiwas sa anumang banta ng pagkakasakit lalo’t higit ngayong mga panahong ito na nagiging unpredictable ang lagay ng ating panahon kung kaya’t madalas ay apektado rin ang kalusugan ng tao.
Idinagdag pa ni Dr. Brion na nakatakda nilang isagawa ng sama-samang pag-eehersisyo isang beses kada linggo. Malugod rin nilang inaayayahan ang lahat ng mga kawani na sumali at makiisa sa naturang programa sa ikaaayos na rin ng kanilang mga kalusugan.
Suportado naman nina Mayor Vicente B. Amante at City Administrator Loreto “Amben” S. Amante ang “healthy lifestyle program” ng CHO para sa lahat ng mga kawani. Ayon sa Adminsitrador, labis na ikinatuwa ni Mayor Amante ang inisyatibo ng CHO na ma-ipromote sa lahat ng mga kawani ang pagkakaroon ng isang malusog na pamumuhay. Naniniwala ito na mas magiging maganda at mahusay ang paglilingkod ng mga ito sa taumbayan kung ang mga empleyado ay malusog at masigla. (CIO-San Pablo)
Hope we can have partnership together, since we both aim a healthy lifestyle for each and everyone... Our products will suit here, coz its 100% natural & no harmful chemicals which lessen the risks of having cancer & allegies.
ReplyDeleteIts not only good for our bodies but also to our mother earth and our fellow Filipinos. :)
- HUMAN HEART NATURE SPC
Pro-Philippines Pro-Poor & Pro-environment