Powered By Blogger

Thursday, February 17, 2011

MAHIGIT 3,000 TRICYCLE NAKAPAG-RENEW NA NG PRANKISA

     San Pablo City- Mula noong Enero 3 hanggang Pebrero 15 na deadline ng renewal of tricycle franchise ay may 3,663 tricycle operators ang nabigyan ng prankisa. Ang bilang na ito ay mula sa may humigit kumulang na 5,000 tricycle na nakarehistro sa lunsod.

     Ang mga operators nanag-renew ng prankisa ay nagbayad ng humigit  kumulang sa P2,000.00 para sa cedula, voter’s certification, Solid Waste, notary public, SSS, Pag-ibig, Philhealth, police clearance at  Mayor’s Permit,  kung may violation ang tricycle driver. At sa mga hindi nakaabot naman sa deadline ay may babayarang penalty na P664.92.

     Kaugnay naman ng mga reklamong kaugnay ng requirement ukol sa pagkuha ng Philhealth, Pag-ibig at SSS na ipinatutupad ngayong taong ito para sa renewal at pagkuha ng tricycle franchise. Ang requirements na ito ay hindi ipinatutupad ng Pamahalaang Lunsod o ni Mayor Vicente Amante. Kundi ito ay ayon sa iniuutos ng Republic Act No. 7742 sa lahat ng may franchise holders o operators na dapat ay rehistradong miyembro ng Philhealth sa ilalim ng National Health Insurance Program. Ang pagkuha naman ng SSS at Pag-ibig ay alinsunod naman sa RA 9679.

     Kaya ang pagpapatupad ng pagkuha ng mga karagdagang requirements na ito ay wala sa kapangyarihan ng Pamahalaang Lokal na ipagwalang bahala o pigilin sapagkat ito ay alinsunod sa batas at isang obligasyong kailangang ipatupad. (CIO-San Pablo City)

No comments:

Post a Comment