MAYOR VICENTE B. AMANTE HINILING NA MAIPATUPAD SA LUNSOD ANG MODEL SMOKE FREE ORDINANCE
San Pablo City –Hiniling ni Mayor Vicente B. Amante sang-ayon na rin sa liham na ipinaabot ni Dr. Job D. Brion, pinuno ng City Health Office sa mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod na agarang bigyan ng kaukulang aksyon ang madaliang pag-amyenda sa Ordinance No. 2004-08 kilala rin bilang “An Ordinance Regulating the Sale, Distribution and Use of Cigarettes and other Tobacco Products within the City of San Pablo”
Ang kahilingan na amyendahan ang naturang ordinansa ay naglalayong makasunod sa “Model Smoke Free Ordinance” na unang denivelop ng Department of Health. Layunin ng naturan na mahigpit na maipagbawal ang paninigarilyo sa lahat ng mga pampubliko at maging sa lahat ng mga working places sa Lunsod na siyang nakikitang solusyon upang mabawasan ang heart diseases morbidity rate na nakikitang may malaking koneksyon sa second hand smoking.
Sang-ayon pa kay Dr. Brion, ang second hand smoking ay lubhang mapanganib sa mga nakatatanda, sa mga indibidwal na may mga cardiovascular disease, impaired respiratory function kabilang na rito ang mga may asthma at may obstructive airway disease. Sinasabi rin na ang mga bata na exposed sa second hand smoking ay malaki ang tyansa na magkaroon ng sakit na asthma at respiratory infection. Maari rin itong maging dahilan ng sudden infant death syndrome, developmental abnormalities, at maging ng kinatatakutang kanser.
Ayon naman kay City Adminsitrator Loreto “Amben” S. Amante ay lubos nilang ikatutuwa kung agad itong mapagtuunan ng pansin ng SP upang sa gayon ay maiimplementa na ito agad sa Lunsod. Sinabi pa nito na panahon na mabigyang proteksyon rin ang karapatan ng mga taong mas pinipili ang pagkakaroon ng “healthy lifestyle” lalo’t higit ngayong panahon na lubhang mahirap ang buhay at bawal ang magkasakit. Sa huli ay nagpaabot ito ng papuri sa pamunuan ng City Health Office sa inisyatibo nitong ipinamamalas upang bigyang pagpapahalaga ang kalusugan ng bawat mamamayan ng lunsod lalo’t higt ang mga kabataan. (CIO-San Pablo)
No comments:
Post a Comment