San Pablo City- Taun-taon ay nakikiisa ang Lunsod ng San Pablo sa pagdiriwang ng World AIDS Day tuwing Disyembre kaalinsabay sa iba’t-ibang pagdiriwang ding ginaganap sa iba’t-ibang parte ng bansa at ng mundo.
Ang pagsasagawa ng iba’t-ibang programs at activities ay sa pagtataguyod ng City Health Office sa pamumuno ni City Health Officer, Dr. Job Brion at sa pangunguna ni Dra. Mercedita Caponpon, Social Hygiene Clinic Supervisor ng CHO at sa pakikipagtulungan naman ni Mayor Vicente Amante.
Ayon kay Dra. Caponpon ang mga gagawing programa ay ang Christmas decoration contest sa mga bars o Paskuhan sa Bars at paglalagay na ng sariling condom corners sa lahat ng clubs at bars kung saan ang mga clubowners na ang bibili ng glass shelf na gagamitin dito.
Mula Nov. 4 naman ay sinimulan na ng CHO ang kanilang satellite clinic sa Brgy. II-D Health Center para sa free papsmears at gamut sa mga “freelancers”. Magkakaroon naman sa Dec. 2 ng libreng HIV screening, Hepa B at Syphilis testing sa City Health Extension sa Brgy. San Jose. Kasabay rin dito ang lecture sa HIV Aids at STD gayundin ng Christmas party at gift giving.
Para naman sa grupo ng mga MSMs (men having sex with other men) at iba pang high risk population ay magkakaroon ng visitation sa kanilang mga lugar. Maglalagay rin ng mga billboards kaugnay sa pag-iwas at paglaban sa nakakamatay na sakit na HIV-AIDS sa may Dona Leonila Part, City Plaza, Shopping Mall, Brgys. II-D at San Jose. Mamimigay rin ng mga IEC materials at local TV station information spot. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment