San Pablo City- Ayon kay J/SINSP Arvin Abastillas, SPC District Jail Warden naging kapakipakinabang sa lahat ng inmates at pamilya nito ang kanilang isinagawang pagdiriwang ng 16th National Correctional Consciousness Week noong Oct. 24-30, 2010. Ang nasabing pagdiriwang ay may temang “Towards Justice that Moves Beyond Punishment”.
Naging focus ng selebrasyon ang pagpapalakas ng spiritual at physical character ng lahat ng inmates. Nagsimula ang pre-celebration noong Oct. 23 sa pamamagitan ng Lord’s Day Celebration of Couples for Christ Ministry. Isang Banal na Misa naman ang ginawa noong October 24 sa pangunguna ni Monsignor Melchor Barcenas na sinundan ng Gift giving ng Volunteers of Prison Service. Naisagawa rin ang Barangay Election noong October 25 kung saan 213 inmates ang nakaboto. Nagkaroon din ng Opening ng SPCDJ Basketball Tournament nung araw na yun.
Nagkaroon naman ng Info Drive ang Parole and Probation Office sa pamumuno ni Ms. Yolly Deangkinay ukol sa parole and probation application and requirements at snack giving noong Oct. 27.
Pinangunahan naman ni MTCC Br. 3 Judge Evangeline Belulia-Bandong at kanyang mga staff ang jail visitation at Snack giving nuong Oct. 28. Isinagawa rin ng araw na ito ang Seminar on Rights of Child and Parents Responsibility sa pamumuno ni Provincial and District Jail Paralegal Officer, JO3 Arvin Llego.
Upang siguraduhin naman ang kalusugan ng mga inmates ay nagsagawa ng medical mission nuong Oct. 29. ang City Health Office kung saan 121 inmates ang nagamot. Nagsagawa rin ng Jail Visitation RTC sa pangunguna ni Executive Judge Agripino Morga at kanyang staff. Para naman mabigyan kasiyahan ang mga anak ng inmates ay nagsagawa ang mga jail staff ng isang palatuntunan at palaro kaugnay na rin ng Children’s Month Celebration.
No comments:
Post a Comment