San Pablo City – Nagpaabot ng pagbati sina Mayor Vicente B. Amante Ph.D. at City Administrator Loreto “Amben” S. Amante sa pagdiriwang ng South East Digital Action Network o SEDAN ng kanilang 11th Anniversary noong November 17.
Sa isang panayam kay City Admin Amben ay sinabi nitong lubos ang kanilang pasasalamat ni Mayor Amante sa grupo sa walang sawa nitong pagtulong sa pamahalaang lokal sa iba’t ibang pagkakataon na kinakailangan nito ng mga taong makakatuwang upang magbigay ng assistance sa mamamayan. Matatandaan na makikitang nakikiisa ang mga ito tuwing mayroong Oplan Sumvac, Oplan Kaluluwa, Cocofestival at iba pang panahon na kinakailangan ang kanilang tulong at serbisyo.
Nagsimula ang samahan taong 1999 sa layuning makapaglingkod at makapagserbisyo ng boluntaryo sa mamamayan sa mga pagkakataong may mga sakuna gayundin ang pagsasagawa ng mga proyektong makakatulong sa mamamayan tulad ng Oplan Kawanggawa kung saan ay nangangalap ang grupo ng mga donasyon mula sa mga taong may bukas na puso at siya naman nilang ipapamahagi sa mga kapos palad sa iba’t ibang barangay sa Lunsod.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 98 miyembro ang SEDAN na pinamumunuan ni G. Romeo G. Ramos bilang Pangulo at siyang Founder, G. Moises Pandanan- Pangalawang Pangulo, Bb. Lavinia Birung-Kalihim, G. Dominador Gatdula-Ingat Yaman, G. Paul Merana-Auditor, G. Nestor de Leon- Hepe ng Operasyon at G. Alvin Naguit- Deputy. (CIO-San Pablo)
Good Day Ms. Lavinia Dela Cueva Birung, This is from FGB. Kindly email us at ramramsangalang@gmail.com. Thanks
ReplyDelete