San Pablo City- Napagkasunduan sa isinagawang public hearing nuong Oct. 22 ng Comm. on Ways and Means sa pamumuno ni Coun. Ed Dizon na magkaroon ng ilang mahalagang amendments sa Ord. 97-28 (Posting of all business establishments in the city of a Business Identification Numbers (BIN), etc.). Ang public hearing ay dinaluhan ng mga owners, operators at duly representative ng mga business establishments , mga konsehal na miyembro ng Komitiba at sina Atty. Mia Quijano ng Legal Office at City Treasurer Fredalyn Rubio.
Ang paliwanag naman ng Komitiba ukol sa nasabing ordinansa na ipinasa pa nuong 1997 na magkakaroon lamang ng ilang amendments at sisimulan nang ipatupad sa Enero 2011 ay malugod naming tinanggap ng lahat ng dumalo.
Batay na rin sa pagsunod sa itinatakda ng Local Gov’t Code kaugnay sa pagpapataw ng mga fees, revenues, penalties or violations at iba pa, nagrekomenda na ng Komitiba ng ilang amendments sa nasabing ordinansa at ang pag-apruba nito sa Sangguniang Panlunsod.
Ang amendments ay ang mga sumusunod: pag-aatas sa lahat ng business establishments na nagnenegosyo sa lunsod na mag-post ng BIN na gawa sa metal tin plate na may sukat na 12x6 inches. Ang nasabing BIN na babayaran ng P300.00 na manggagaling sa Pamahalaang Lunsod ay valid sa loob ng 3 taon. Samantalang mayroon itong sticker (P50.00) na kailangang idikit sa tin plate na ire-renew taun-taon sa halagang P50.00 rin.
Kailangang ilagay ang BIN sa hayag na lugar ng establisyemento at isang BIN lamang sa bawat isang lugar ng negosyo. Tampering at unauthorized transfer ng BIN ay may kaukulang imprisonment ng hindi hihigit sa 30 araw o fine na P5,000.00, o kaya ay parehong fine at imprisonment sa desisyon ng korte at revocation ng business license ng registrant. Maaaring ang punonglunsod o ang kanyang duly authorized representative ang maghain ng kaukulang aksyon laban sa mga lalabag sa nasabing ordinansa. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment