Powered By Blogger

Wednesday, November 3, 2010

PRE-COCO FESTIVAL SCHEDULE SIMULA NA SA NOV. 13


San Pablo City – Sisimulan na sa Nob. 13 ang iba’t-ibang pre-coco festival activities ayon sa isinumiteng schedule ni Festival Director Egay Victorio kay City Admin. Amben Amante.

Magsisimula na ang screening para sa Coco Star 2011 na isa ring beauty contest sa Nob. 13  at screening din ng Munting Lakan at Mutya ng San Pablo 2011 sa Nob. 14 ganap na 1:00 p.m. Ang screening naman ng Lakan at Mutya 2011 ay sa Nob. 20, 9:00 a.m.. Ang lahat ng gaganaping screening ay gagawin sa One Stop Processing Center.

Dadalo naman ang mga napiling kalahok sa Flag Ceremony sa City Hall at gayundin ang courtesy call kay Mayor Vicente Amante sa Nob. 20. Sa pamumuno naman ng Circle of Fashion Designer of San Pablo City ay isasagawa ang iba’t-ibang presscon ng Lakan at Mutya sa Nob. 27, 9:00 a.m.; Coco Star 2011, 9:00 a.m. at presscon/pictorial ng Munting Lakan at Mutya, 1:00 p.m. Lahat ay gaganapin sa Palmeras Hotel & Restaurant, Brgy. San Rafael.

Lalahukan naman ng lahat ng napiling kalahok ang isang Motorcade na magsisimula sa One Stop Center sa Dec. 4. At sa Dec. 18 naman ay isang Christmas Party ng mga kalahok ng Munting Lakan at Mutya at Coco Star 2011 ang gaganapin sa Palmeras Hotel & Rest. Ganap na 5:00 p.m.

At upang lalo pang magningning ang patimpalak ay gaganapin ang Talent Day sa Jan. 8, 2011 ng Munting Lakan at Mutya, 10:00 a.m. at Lakan at Mutya, 2:00 p.m. sa SM City San Pablo.

Ikinatuwa naman ni City Admin. at Over-All Festival Chairman Amben Amante ang maagang pagdaraos ng mga gagawing activities na ito sapagkat mas lalo pa itong mapapaganda at maisasaayos para sa darating na Coconut Festival sa Enero 2011. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment