Powered By Blogger

Wednesday, November 3, 2010

UNDAS SA LUNSOD NG SAN PABLO NAGING MAAYOS AT MATAHIMIK


San Pablo City – Agad inirekomenda ni Mayor Vicente B. Amante Ph.D. sa Sangguniang Panglunsod na mabigyan ng kaukulang pasasalamat ang mga indibidwal at samahan na naging katuwang ng SPC-PNP sa pamumuno ni P/Supt. Leo Luna sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan noong nakaraang Undas.

            Bagamat makapal ang dami ng tao ng nagnais na makapag-alay ng dasal, bulaklak at mga kandila sa puntod ng mga yumaong minamahal sa buhay ay nanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong Lunsod partikular sa mga pook himlayan na labis namang ikinatuwa ng Punonglunsod sapagkat ito mismo ang personal na nakasaksi at nag-obserba ng mga pangyayari noong nagdaang Undas. Ayon pa rito ay marapat lamang na pasalamatan ang mga indibidwal at samahan na walang pag-iimbot na nagsakripisyo ng kanilang mga oras alang-alang sa katahimikan ng Lunsod.

Bunsod nito ay agad ipinaaabot ni Mayor Amante ang kaniyang taos pusong pasasalamat sa SPC Formula na kinabibilangan ng Bantay Bayan, CCW, Guardians Inc., Kabalikat Civicom, PRIMO, SPARC, at Spy Riders gayundin ang Red Cross-SPC Chapter, Public Works, at ang SRB. Hindi  naman inaalis ng Punonglunsod na malaki rin ang naging partisipasyon ng bawat isang San Pableno sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan. Malaking bagay na pinatunayan ng mga taga-Lunsod ang pagiging disiplinado ng mga ito at pagiging masunurin sa mga nakatalagang tagapagpatupad ng kaayusan kung kaya’t masasabing sa pangkalahatan ay naging matahimik ang  pagdiriwang ng Undas sa Lunsod.

No comments:

Post a Comment