Powered By Blogger

Sunday, September 11, 2011

MAHIGIT 200 PARTICIPANTS DUMALO SA MEDIA FORUM SA LUNG MONTH CELEBRATION

San Pablo City- Humigit kumulang sa 200 participants mula sa mga local media, barangay officials at TB Task Force Volunteers ang dumalo sa isang media forum nuong Agosto 31 ng hapon sa JW Functio Hall, Teomora Village, Brgy. San Gabriel. Ito ay isinagawa kaugnay ng Lung Month Celebration at pagpapatibay ng partnership ng World Vision Development Foundation at ng Pamahalaang Lunsod sa pangunguna ng City Health Office. Tungo sa isang adhikain na “Healthy City, a Healthy Community with a Healthy Population”.

            Ang media forum ay bahagi ng Social Mobilization on Tuberculosis Project ng World Vision at CHO na sa kasalukuyan ay nasa ika-limang taon na ng implementasyon. At kung saan bumuo ng mga TB Task Forces mula sa 19 na barangay ng lunsod na mga volunteer groups na tumutulong upang masugpo ang TB.

            Layunin din ng forum na ito na palakasin ang kaalaman at kamalayan ng mga local leaders sa sanhi at palantandaan ng sakit na TB at mahikayat ang aktibong partisipasyon ng mga local media sa pagpapalabas ng mga tamang impormasyon ukol sa TB. Upang sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon ay magresulta sa lubusang pagsugpo ng TB sa lunsod.

            Nagpaabot naman ng pasasalamat sina Mayor Vicente Amante at City Admin. Loreto Amante sa World Vision sa kanilang patuloy na pagtulong sa mamamayan ng Lunsod ng San Pablo upang makaiwas at daglian nang masugpo ang pagkalat pa ng sakit na TB sa lunsod. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment