San Pablo City- Agarang nagpaabot ng tulong si City Admin. Loreto Amante sa mga biktima ng sunog sa Brgy. VII-E nuong nakaraang Sabado, Sept. 10. Naganap ang sunog bandang 9:30 n.u. na ang sanhi ay sumabog na LPG tank.
Agad na tumawag ang City Admin. sa Tanggapan ng Social Welfare at sa pangunguna ng hepe ng tanggapan na si Gng. Grace Adap at mga tauhan nito ay namigay agad ng mga bigas, canned goods at mga gamot. Lubos rin ang pagtulong ng mga barangay officials sa pamumuno ni Chairman Ronelio Mendoza at agarang humingi rin ng tulong kay Mayor Vicente Amante para sa hospital at medical assistance ng mga biktima.
Mabilisan rin ang pagpapadala sa siyam na nasugatan sa sunog na kinabibilangan ng 3 bata at 6 na matanda. Sa siyam na biktima ay dalawa ang nagtamo ng 4th degree burn sapagkat sila ang nakatira dun mismo sa bahay na natupok. Ang mag-amang Rey Dimayuga at anak na babae na si Mikee, 15 years old ay agad na isinugod sa Philippine General Hospital. Samantalang ang iba naman ay agarang dinala sa City Hospital para malapatan agad ng lunas.
Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si City Admin. sa mga tumulong partikular na ang Red Cross na nagpakain ng lugaw, nagbigay ng first aid at tumulong rin sa pagbibigay ng mga used clothes.
Taos-puso rin ang kanyang pasasalamat sa Bureau of Fire at sa iba pang fire stations ng Alaminos, Rizal, Nagcarlan, Bay, Victoria, Batong Malake fire volunteer ng Los Banos at ang Fil-Chinese Fire Volunteer ng Lunsod ng San Pablo sa agarang pagresponde kaya naapula agad ang sunog.
Nasunog ang may tatlong kabahayan sa Mercado Cpd. sa loob ng St. Joseph School sa Brgy. I-A bandang 1:30 n.h. Nadamay rin ang ilang katabing bahay na partial damage naman ang tinamo. Ayon sa Bureau of Fire ay faulty electrical wiring ang naging sanhi ng sunog. Nagbigay rin ng kaukulang assistance ang Pamahalaang Lunsod sa nasabing sunog. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment