Powered By Blogger

Sunday, September 11, 2011

PAGTATANIM NG NARRA SEEDLING SIMBOLO NG PAGYABONG NG BUHAY


San Pablo City- Nagtanim si City Admin. Loreto Amante sa kanyang kaarawan nuong Sept. 1 ng mga narra seedlings sa Dona Leonila Park bilang simbolo ng pagyabong ng kanyang buhay at pagmamalasakit sa kapaligiran.

            Kasama ang mga kawani ng City Environment Office at mga miyembro ng SPC Dept. and Asst. Heads Assn. nagtanim ng narra seedlings ang butihing administrator sa isang lugar sa may Dona Leonila Park bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

            Ayon sa kanya ang pagtatanim ng puno ay hindi lamang simbolo ng pag-usbong at pagyabong ng isang buhay, nguni’t isang responsibilidad rin ng bawat mamamayan upang makatulong sa pagpapaganda at pangangalaga ng kapaligiran. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment