San Pablo City- Mahigit na dalawampung (20) bags ng dugo ang nakolekta ng Red Cross-SPC Chapter sa isang araw na blood letting activity na tinawag ni City Admin. Loreto Amante “Dugtong Buhay” nuong Sept. 1 sa Pamana Hall bilang isa sa mga programa sa pagdiriwang ng kanyang ika-29 taong kaarawan.
Lubos na nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lunsod, jail officers ng BJMP San Pablo District Jail, PNP-SPC, reservists, DLSP Students at ilang private individual sa nasabing blood letting bilang handog nila sa kaarawan ni city admin.
Ang blood letting sa pakikipagtulungan rin ng City Health Office ay nakakolekta ng may 9,000 cc ng dugo kung saan ilalagak muna ito sa Red Cross-SPC.
Batid ng City Admin. ang lumalaganap na kaso ng dengue sa buong bansa kaya pangunahin niyang proyekto ang blood letting bilang “dugtong buhay” para sa mga dengue patients na maaaring mangailangan ng blood transfusion. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment