Powered By Blogger

Sunday, September 11, 2011

PAGBIBIGAY SAYA SA KABATAAN AT PAGLINGON SA PINANGGALINGAN

San Pablo City- Nakarating sa kaalaman ni City Admin. Loreto na tuwing sasapit lamang ang Disyembre nagkakaroon ng kasayahan ang mga mag-aaral ng Atisan Elementary School at kung saan sa kanilang kakarampot na baon ay nag-aambag ambag ang mga mag-aaral para sa kanilang isinasagawang Christmas Party.

            Kaya sa naisin ng City Admin. na ibalik ang pagmamahal na kanyang natatanggap mula sa mga mamamayan ng lunsod at pagdiriwang kanyang kaarawan ay nagsagawa siya ng isang feeding program nuong Agosto 31 para sa mga mag-aaral ng Atisan.

            Upang lubusang mapasaya ang mga kabataang ito ay isang  Jolibee Party ang kanyang ibinigay para sa mas maaga nilang Christmas Party sa buwan ng Setyembre.

            Kasama ang kanyang maybahay na si Ma. Claudette J. Amante at isang taong gulang na anak na si Misha, napasaya nila ang lahat ng mag-aaral sa maagang papasko ng administrator at bilang pasasalamat sa isa na namang taon sa kanyang buhay.

            Naniniwala rin siya sa kasabihang  “ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”. Kaya isang medical at dental mission rin  ang kanyang isinagawa nuong Agosto 31 para naman sa kanyang mga kabarangay sa Brgy. del Remedio. Ginanap ang libreng konsultasyon at pagbibigay ng libreng gamot sa Barangay Hall ng del Remedio.

            Ito ay bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang loob sa barangay na kanyang sinilangan at kinalakhan. At pagbabalik na rin ng pagmamahal at pagsuporta na kanyang tinatanggap mula sa kanyang naging mga kabarangay. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment