San Pablo City- May dalawampu’t dalawang kaso na inihain laban sa mga kawani ng Pamahalaang Lunsod ang dininig ng mga miyembro ng Anti-Red Tape Act o ARTA mula nang itatag ang Citizen’s Charter ng lunsod nuong 2009 batay na rin sa mandato ng Anti-Red Tape Law or Anti-Red Tape Act of 2007 or Republic Act 9485 at batay na rin sa Executive Order No. 02-2009.
Sa mga kaso at reklamo na inihain sa mga kawani kaugnay sa kanilang mga trabaho ay agarang dinidinig ng mga miyembro ng ARTA na kinabibilangan ng mga pinuno ng iba’t-ibang departamento ng Pamahalaang Lunsod. Ito ay isang patas na pagdinig kung saan ang nagrereklamo at inirereklamo ay parehong naglalahad ng kanilang mga paliwanag.
Sa mga kasong pinagpasyahan anim dito ang settled cases; dalawa ang dismissed; 2 ang referred sa Grievance Committee; anim ang reprimanded, isa ang detailed to other office at lima ang nabigyan ng suspension kung saan ang mga kawani ay may fine na one month leave without pay.
Sa mga reklamo namang walang kaugnayan sa trabaho o personal na reklamo, sampu ang dininig ng Grievance Committee. Kung saan isa ang elevated sa Civil Service; isa ang elevated to higher court; isa ang reprimanded at pito ang settled cases.
Ang RA 9485 ay naglalayong masugpo ang graft at corruption sa pamahalaan at mas mapaunlad at mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo publiko. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment