San Pablo City- Upang mabigyan ng pagkakataong kumita ang mga mag-aaral ngayong summer vacation nagbigay si City Admin. Loreto Amante ng summer jobs sa may 255 college students sa ilalim ng PESO Office at ng Special Program for Employment of Students o SPES ng Office of Social Welfare and Dev’t.
Ang mga SPES Students na nahahati sa dalawang grupo kung saan ang 175 students na financed ng local ay sasahod ng P3,500 para sa 18 days nilang trabaho. Samantalang ang 70 students na financed ng Prov’l Gov’t ay sasahod ng P3,960 para sa 30 days na trabaho at P1,960 na financed ng DOLE PARA sa 22 days na trabaho.
Ang summer jobs na nagsimula nuong April 25 para sa provincial batch at May 2 para sa local batch ay itatalaga sa iba’t-ibang barangay kung saan sila malapit. Ang mga naka-assign sa barangay ay gagawa ng barangay profile at philhealth survey. Ang mga nakatalaga naman sa iba’t-ibang departamento ng Pamahalaang Lunsod ay gagawa ng mga clerical o office work.
Ayon kay City Admin. at PESO Manager Amante ito ay makakatulong na malaki sa SPES beneficiaries para sa kanilang pagbili ng mga school supplies at karagdagang tuition fees sa darating na pasukan sa Hunyo.(CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment