San Pablo City- Bilang pakikiisa na rin sa pagdiriwang ng Labor Day nuong May 1 ay lalo pang pinalawak ng PESO Office sa pamumuno ni City Admin. at PESO Manager Loreto Amante ang programa ng lunsod para sa job employment.
Kung dati ang mga taga-lunsod ay naghahanap ng trabaho sa mga advertisements sa dyaryo o kaya naman ay naluwas pa sa Maynila, ngayon sa pamamagitan ng PESO Office ay madali na silang nabibigyan ng assistance. Ngayon lahat ng available na trabaho sa ibang lugar maging sa ibang bansa ay naka-post ng lahat sa designated bulletin board malapit sa PESO Office sa 3rd Flr., 8th Storey Bldg.
Ang tanggapan ay patuloy na nagbibigay ng mga referral sa iba’t-ibang local at foreign companies. Nuong nakaraang taon ay nakapagbigay na sila ng may 145 recommendations at 35 endorsements para sa mga job applicants. Naging matagumpay rin ang kanilang naisagawang tatlo (3) malalaking Job Fairs. Mayroon na rin silang natulungan na humigit kumulang na 13,000 walk-in at job fair applicants. Kung saan may 324 applicants ay nabigyan ng trabaho, 520 hired on the spot sa isinagawang mga job fairs at may 12 ang nabigyan ng trabaho sa abroad. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment