Powered By Blogger

Sunday, May 15, 2011

OUTSTANDING SAN PABLEÑOS AT MGA NATATANGING KAWANI NG PAMAHALAANG LUNSOD NG SAN PABLO INANUNSYO

San Pablo City – Una ng inanunsyo ni Secretary to the Mayor Paul Michael Cuadra ng mga nahirang na Outstanding San Pablenos para sa taong 2011 at mga Natatanging Kawani ng Pamahalaang Lunsod ng San Pablo (NKLSP) para sa taong 2011  noong nakaraang Lunes, ika-2 ng Mayo  sa Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa One Stop Processing Center.

            Kabilang sa mga nahirang bilang mga Outstanding San Pablenos 2011 ay sina Dr. Emmanuel “Eman”  D.  Loyola para sa Health and Services, Dr. Adoracion Bordador-Alava- Civic Services,  Gabriel Romero, Ph. D. sa larangan ng Science & Technology (Agriculture),  Ms. Lina G. Villegas sa Agriculture, Marissa Villafuerte Romero,  Ph.D. sa Government Service,  Joel Cuello, Ph.D. para sa larangang Engineering and Technology, Prosecutor  Florante Dorado Gonzales sa Law,  Regional Trial Court  Jugde Amy Melba Sanchez Belulia sa Judiciary,  para naman sa  Youth Development (Swimming) ay  nahirang si G. Banjo Borja,  sa Sports si G. Modesto Amante, Jr., sa Humanitarian ay si G. Johnny Uy Kee Kong ng Kian Seng ang nahirang, sa Women's Sector/Social Services ay nahirang naman si Bb. Cresenciana B. de Luna, sa Business ay si G. Leopoldo Alvero Estrellado, sa  Education  si  Melecia Balaaldia, EdD at para sa naman Advocacy Journalism ay nahirang si G. Ruben E.  Taningco. Samantala, nahirang rin  at ginawaran ng Posthumous Award para sa Arts and Culture si G. Vergel De Torres Cosico.

            Para naman sa  Natatanging Kawani ng Pamahalaang Lunsod ng San Pablo (NKLSP) kung saan ay nahahati sa dalawang level ay si Bb. Lilian B. dela Cruz ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo para sa 2nd Level at G. Lorenzo C. Amante ng Sangguniang Panglunsod naman sa 1st Level.

            Ang lahat ng mga nahirang na Outstanding San Pablenos 2011 ay makakatanggap ng Plaque of Recognition at medalya samantalang ang mga nahirang na NKLSP ay pagkakalooban P5,000 buhat sa pamahalaang lokal at karagdaganmg P2,000 buhat sa asosasyon ng mga pinuno at pangalawang pinuno ng pamahalaang lokal at plake ng rekognisyon. Pormal namang ginawaran ang mga nabanggit sa isinagawang awarding ceremony noong nakaraang Sabado, ika-7 ng Mayo sa Palmera’s Resort & Restaurant alinsunod na rin sa selebrasyon ng ika-71 Charter Anniversary ng Lunsod ng San Pablo. (CIO-San Pablo)

No comments:

Post a Comment