Powered By Blogger

Sunday, May 15, 2011

MSC BARANGAY SCHOLARSHIP PROGRAM

San Pablo City- Bilang pasasalamat at pagkilala ng MSC Institute of Technology Inc. sa pamumuno ni Virgilio Y. Prudent, President sa matagal ng partnership ng San Pablo City Government sa pangunguna nina Mayor Vicente Amante at City Admin. Loreto Amante, ay patuloy silang magbibigay ng tuition fee discounts sa mga indigent students na nasa ilalim ng scholarship program ng city government.

            Para sa SY 2011-2012 magbibigay rin ang MSC ng  increased discounts para sa mga new enrollees sa high school at sa  two-year courses. Ito ay karagdagang scholarship discount privileges na automatic full / partial scholarships para sa mga honor graduates ng Grade VI at 4th year High School.

            Ang mga nabanggit na tuition fee discounts ay   ibibigay sa mga deserving students mula sa iba’t-ibang barangay sa lunsod na nangangailangan ng scholarship assistance na may referral mula sa Office of the Mayor.

            Magbibigay ang MSC ng P5,000/year tuition fees discount para sa high enrollees mula 1st year to 4th year  at P5,000/year rin para sa mga techvoc enrollees para sa 2 taon. Para naman sa mga LGU scholars ang MSC ay magbibigay ng counterpart na 50% ng tuition fee na ibibigay ng city government.

            Kinakailangan ang mga bibigyan ng scholarship priveleges na ito ay walang failing grade at walang  disciplinary actions sa paaralan.

            Para naman sa enrollment ay kailangang magdala ng referral mula sa Barangay Chairman na aprubado ng punonglunsod, report card, Certificate of Good Moral Character mula sa Principal/ Guidance Counselor at Birth Certificate. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment