Powered By Blogger

Tuesday, January 4, 2011

UNANG ARAW NG TRABAHO MASIGLANG SINALUBONG NI CITY ADMIN. AMBEN AMANTE

San Pablo City – Masigla ang naging pagbati sa lahat ni City Administrator Loreto “Amben” S. Amante sa pagsalubong sa unang araw ng trabaho ng bagong taon at sa  kauna-unahang pagtataas ng watawat  noong Enero 3, 2011.

          Una ng nagpasalamat ang Administrador sapagkat naging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng bagong taon sa Lungsod. Sinabi rin nito na dalangin niyang mapanatili ang kapayapaan sa Lunsod lalo’t extended ang mga kasiyahan sa Lunsod sapagkat muli na namang nalalapit ang pagdiriwang ng Cocofest sa ika-16 nitong taon. Buong pagmamalaki nitong sinabi ang matamang paghahanda na isinasagawa nila para sa mas masaya at mas makulay na Cocofest sa ikasisiya na rin ng mga San Pableno.

          Samantala, taos puso ring binati at winelcome ang lahat ng mga taxpayers na inaasahang unti-unti ng magdadagsaan sa mga susunod na araw. Nagpasalamat ang Administrador sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa pamahalaang lokal. Naniniwala ito na ang mga taxpayers ang tunay na tagapagtaguyod ng mga proyektong ipinatutupad ng pamahalaang lokal.  Nangako naman ang Administrador na hindi sasayangin ang bawat sentimong ibinabayad ng mga taxpayers at sisiguruhing mapupunta ito sa mga makakabuluhang proyekto  na tunay na pakikinabangan ng mamamayan. (CIO-San Pablo)

No comments:

Post a Comment