Powered By Blogger

Thursday, January 27, 2011

MORAL AND CHARACTER DEVELOPMENT NG MGA PULIS ANG PINAGTUTUUNAN KO NG PANSIN – P/SUPT. LEO L. LUNA

San Pablo City – Pinaunlakan ni P/Supt. Leo L. Luna, SPC-PNP Chief, ang kahilingan ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod na magsagawa ito ng isang courtesy call upang mas lalo pa itong makilala gayundin ang malaman ang mga plano at programang ipinapatupad ng Pulisya para sa Lunsod.

            Buong kababaang loob namang ipinirisinta ni P/Supt. Luna ang mga plans and programs ng naturang ahensya gayundin ang kanilang mga accomplishments sa loob ng humigit kumulang 3 buwan nitong paninilbihan sa Lunsod bilang hepe ng Pulisya.

             Sang-ayon sa hepe nakatuon ang kaniyang pamunuan  sa pagpapalago ng moral at karakter ng bawat isang miyembro ng kapulisan sa Lunsod gayundin ang masigurong nakakapagbigay ang kanilang hanay ng isang  matapat at maayos na serbisyo sa mamamayan ng Lunsod ng San Pablo. Kanila ring patuloy na sinisiguro ang seguridad ng kapayapaan sa lahat ng oras sa Lunsod. Sinabi din niya na ang mga “MAMA AT ALENG PULIS” ng  San Pablo City Police Station ay patuloy na pinapaunlad ang kanilang mga kakayahan upang makapagbigay ng mas magandang serbisyo.

            Ilan rin sa mga programang kanilang inilunsad upang mapalapit sa mga mamamayan  at mahasa ang kanilang mga kakayahan ay ang Feeding Programs; Tree Planting Activities; Pulis Ko, Titser Ko; Blood Letting; Gift Giving; Enhancement Investigation Seminar; Disaster Preparedness Drill; Emergency Response Drill at ang Proper Handling of Firearm.
           
            Samantala, isa sa mga planong tinalakay ng hepe sa mga miyembro ng SP  ay ang pagkakaroon ng Special Weapons and Tactics (SWAT) para sa mabilisang aksyon sa mga insidenteng tulad ng Hostage Situation, Bank Robbery, Robbery Hold up at iba pang High Profile Crimes, karagdagang mga personnel na siyang itatalaga sa mga  crime prone areas, pagpapatayo ng isang Kalinga-Center para sa mga child-offender/s at halfway center sa mga drug offender/s. Iminungkahi rin nito ang pag-formulate ng mga resolusyon patungkol sa pagkakaroon ng mga CCTV Cameras sa mga bangko, pawnshops, gasoline stations, malls at iba pang mga establisyemento.

            Pinuri naman ng mga miyembro ng SP si P/Supt. Luna sa mga natamo nito at ng mga kasamahang accomplishments sa loob lamang ng maikling panahon gayundin ang pagkakaroon nito ng mga konkretong plano at programa para sa ikahuhusay at katahimikan ng Lunsod. (JRC-CIO)

No comments:

Post a Comment