San Pablo City – Bilang pagsalubog sa bagong taon ay naglunsad ang Rotary Club Silangan San Pablo ng isang makabuluhang proyektong Fun Run noong nakaraang Sabado, January 8, 2011 sa palibot ng Sampaloc Lake na sinuportahan at nilahukan ng mga runners mula sa iba’t ibang sektor.
Pangunahing layunin ng naturang proyekto na makatulong sa mga biktima ng sakit na polio. Tinatayang maliit na porsyento na lamang ang tinatamaan ng naturang sakit dahilan na rin sa maigting na pangangampanya ng pamahalaan laban dito sa pamamagitan ng malawak na pagpapalaganap ng mga libreng bakuna sa iba’t ibang health centers sa buong bansa. Ngunit ayon sa Rotary Club Silangan sa kabila ng mga laganap na bakuna ay mayroon pa ring humigit kumulang na 20% ang mga tinatamaan at nagiging biktima ng naturang sakit na nais ng kanilang organisasyon na pagtuunan ng pansin upang matulungan.
Ang lahat ng mga nagsilahok sa naturang fun run ay nagbayad ng Php150.00 na registration fee kasama na rin dito ang isang t-shirt. Nakatanggap rin ang mga kalahok ng certificate of participation samantalang pinagkalooban naman ng papremyo ang mga kalahok na nagawang umikot sa Sampaloc Lake ng dalawa hanggang tatlong beses. (CIO-San Pablo)
No comments:
Post a Comment