Powered By Blogger

Tuesday, January 4, 2011

PAGLILINIS SA PALENGKE NUONG BAGONG TAON AGARANG ISINAGAWA NG SOLID WASTE OFFICE

San Pablo City- Agarang nagsawa ng paglilinis ng ilang kalye sa Public Market nuong madaling araw ng Enero 1 ang mga tauhan ng Solid Waste Management Office sa pamumuno nina Engr. Ruel Dequito, City Solid Waste Officer at G. Rodel Go, GSO Officer.

Ayon kay G. Rodel Go nagsimula ang kanilang mga tauhan na maglinis ng mga kalat at basura dala ng pagdiriwang ng bagong taon ganap na 1:00 ng umaga sa mga kalye ng Paterno, Regidor at Flores Sts. At bago magtanghali ay malinis na at nasegregate na ang mga basura.

Agarang nilang isinagawa ang paglilinis ayon na rin sa derektiba ni Mayor Vicente Amante upang mapanatiling malinis ang lunsod at upang salubungin ang bagong taon ng may isang malinis at maaliwalas na Pamilihang Bayan.

Ikinatuwa naman ng mga mamamayan ng lunsod ang nakitang mabilis na aksyon ng Pamahalaang Lunsod sa mga ganitong kaganapan. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment