Powered By Blogger

Thursday, January 27, 2011

MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG CURFEW SA KABATAAN HINILING NI SK PRESIDENT GJ AMANTE

San Pablo City – Matagumpay na naisulong ni Sangguniang Kabataan Federation President GJ Amante ang City Ordinance 56 s.1981 o  “An Ordinance Prohibiting Persons 18 years and below to walk, stay or loiter during late hours of the night and Providing Penalties for Violation thereof” sa bawat barangay noong nakaraang 29th Regular Session ng Sangguniang Panglunsod.

            Isinulong ni SK President Amante ang naturang resolusyon matapos makarating   sa kanyang tanggapan na isang dating opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sta Ana at 2 pang mga kabataan ang nasangkot sa isang malagim na trahedya matapos ang mga itong ay maaksidente sakay ng isang motorsiklo.

Napag-alaman rin na naganap ang aksidente lampas hatinggabi kung kaya’t madiing hiniling ng kasalukuyang SK President na marapat lamang na pag-ukulan ng pansin ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Nagpakita naman ng matatag na suporta ang mga kasamahan sa Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni Vice Mayor Angie Yang. Kaya’t dagliang nagpaabot ng mga liham sa bawat barangay upang ipabatid ang kahilingan ng pinuno ng mga kabataan dito sa Lunsod. (JRC-CIO)

No comments:

Post a Comment