Powered By Blogger

Tuesday, January 4, 2011

BIKTIMA NG PAPUTOK BUMABA AYON SA CHO

San Pablo City- Ayon sa report ng City Health Office bumaba ang mga biktima ng paputok ngayong Enero 2011 kumpara nuong Enero 2010. Ayon kay Bb. Filomena Catipon, Public Health Nurse ng CHO 11 lamang ang naging biktima ng paputok kumpara sa mahigit 15 nuong nakaraang taon.

Mula December 31, 2010 hanggang January 1, 2011 ay may naitalang 11 biktima ng mga firecrackers related accident. Siyam (9) na taong gulang ang naitalang pinakabatang biktima kung saan naputukan ito ng ipinagbabawal na piccolo. Samantalang 66 taong gulang naman ang pinakamatandang biktima kung saan naputukan ito ng Superlolo. Ang iba pang biktima ay naputukan ng kwitis at fountain,

Ayon naman kay Dr. Job Brion, City Health Officer, ang pagbaba ng mga nasugatan ng mga paputom ay naging resulta na rin ng kautusan ni Mayor Vicente Amante at City Administrator Loreto Amante na kanilang paigtingin ang kampanya ng DOH kontra paputok.

Kaya lubos ang pasasalamat ng Punonglunsod sa lahat ng kawani ng CHO sa kanilang matagumpay na kampanya laban sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok. Inaasahan ng Punonglunsod na sa mga susunod pang mga taon ay kung maaari ay wala ng magiging biktima ng anumang paputok sa Lunsod ng San Pablo. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment