San Pablo City- Dumalo ang mga pinuno at kawani ng tanggapan ng City Traffic Mgt., Legal, Solid Waste, CENRO at CIO sa nakaraang 5th regular meeting ng Rotary Club of San Pablo City R.I. Dist. 3820 nuong Aug. 2 sa Max’s Restaurant, Brgy. San Francisco upang talakayin ang mga ordinansa ng traffic mgt. at waste segregation.
Ipinaliwanag ni Atty. Mia Quijano, OIC-CTMO/Legal Office na mahigpit ng ipinatutupad ang Ord. 2011-01 o Revised Comprehensive Traffic Code of the City of San Pablo para sa lalo pang ikaaayos ng trapiko sa lunsod. Ayon sa kanya sumailalim na ang mga tricycle franchisees, traffic violators, Barangay Traffic Auxiliary Group members at traffic enforcers sa mga series ng orientation seminar ukol sa standard road rules, traffic rules and regulations at protocol in apprehending traffic violators na nakasaad sa nasabing ordinansa.
Sa bahagi naman ng pagpapatupad ng Ord. 2009-14 ay ipinaliwanag nina Engr. Ruel Dequito, City Solid Waste Mgt. Officer at CENRO Ramon de Roma na ipinatutupad na sa lunsod ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bag at styrofoam sa mga department stores, supermarkets at food chains. Sinimulan ang pagbabawal nito nuong Marso 1 kung saan maaari lamang gumamit ng mga biodegrable o reusable bags tulad ng paper bags, bayong o mga bag na gawa sa katsa o yung mga eco-bag batay na rin sa nasabing ordinansa.
Ipinaliwanag naman ni Bb. Sasa Adajar-Deomano ng City Information Office na ang proyektong ito ay bahagi ng information dissemination campaign ng Pamahalaang Lunsod sa pamumuno nina Mayor Vicente Amante at City Admin. Loreto Amante para sa kaalaman ng mga mamamayan at para na rin sa pakikipagtulungan ng mga civic organizations. Dagdag pa niya na sa mga darating pang araw ay patuloy pa rin ang kanilang gagawing IEC sa iba’t-ibang pang samahan sa lunsod. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment