Powered By Blogger

Thursday, August 18, 2011

BB. JOSEFINA S. ANDAL BAGONG TALAGANG CITY GENERAL SERVICES OFFICER

San Pablo City – Pormal ng pinagtibay ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pangunguna ni Vice Mayor Angelita E. Yang at sa mosyon ni Konsehal Arnel Ticzon ang pagtatalaga kay Bb. Josefina S. Andal bilang bagong pinuno ng City General Services Office. Ito ay matapos sumailalim si Andal sa isang malalimang pagsusulit ng Personnel Selection Board at mapatunayang ito ay kwalipikado para sa nasabing posisyon.

Si Andal ay unang naging nagserbisyo sa publiko noong taong 1977 bilang isang casual employee sa Chief Executive Office bilang isang Bindery Helper. Noong panahon iyon ay sumasahod lamang ito ng halagang Php 17.14 kada araw. Ganap itong naging isang regular na empleyado noong taong 1984 bilang isang Right of Way Agent sa tanggapan pa rin ng Chief Executive. Kinakitaan ng angking galing, sipag, at katapatan kung kaya’t nagpatuloy ang pagyabong ni Andal sa paglilingkuran. Katunayan,  ilang beses na nabigyan ng promosyon si Andal hanggang maging Supervising Administrative Officer noong taong 2004 sa kapareho pa ring tanggapan.

At nito lamang nakaraang Martes, ika-16 ng Agosto, sa pagsasagawa ng buong kapulungan ng kanilang ika-59 pangkaraniwang pagpupulong ay pormal na itong itinalaga bilang siyang bagong pinuno ng CGSO alinsunod na rin sa Section 454 (d) Republic Act 7160 o kilala rin bilang Local Government Code of 1991.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni andal sa buong kapulungan sa ginawang pagkumpirma sa kaniyang appointment. Nangako rin ito na gagawin ang buong kakayahan upang magampan ang tungkuling nakaatang sa kniya ngayong siya na ang bagong pinuno ng GSO. Pinalitan sa pwesto ni Bb. Andal ang nagretirong si Dr. Ubaldo Ciabal. (CIO-San Pablo)

CASSAVA PRODUCTION PROJECT NG LUNSOD NG SAN PABLO APRUBADO KAY SENATOR KIKO PANGILINAN

San Pablo City – Masayang ibinalita ni City Administrator Loreto Amante sa isinagawang Pagtataas ng Watawat nuong Agosto 15 sa One Stop Processing Center, ang matagumpay na naging resulta ng kanilang isinagawang pagbisita kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Pangunahing pakay ng naturang pagbisita na isinagawa noong nakaraang Agosto 8 ay ang pagtalakay  sa Senador ng 2 million worth of Cassava Production Project na bahagi ng Development Plan ng Lunsod sa aspetong agrikultural. Nakasama ni City Admin Amben sa  pagbisita sina Konsehal Edgardo Adajar, SPC Business Development Officer  Ernie Empemano, City Agriculturist Assistant Elmer A. Belen at  CIO Staff.

Bunsod ng naturang proyekto ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng   pamahalaang lokal, Visayas State University at ng Global Foods Corporation upang matulungan ang humigit kumulang na 100 magsasakang San Pableno mula sa 6 na piling Barangay gayundin sa kapakinabangan ng mga mangangalakal sa lunsod.

Kumpiyansa naman si City Administrator Amben na malaki ang potensyal ng Lunsod para maging isa sa pinakamasaganang pamayanan sa probinsya ng Laguna. Naniniwala ito na sa kabila ng pagiging highly urbanized ng Lunsod ay malawak pa rin ang mga lugar maging ang mga oportunidad rito para sa iba’t ibang uri ng produksyong pang-agrikultural. At sang-ayon sa mga isingawang pag-aaral sa lunsod ang cassava ay may malaki ring potensyal na makapagdala ng malaking kita para sa mga magsasaka ng lunsod.

            Ipinangako naman ni Senator Kiko Pangilinan na gagawin nitong isa sa kaniyang mga pilot areas ang Lunsod ng San Pablo para sa kaniyang mga ipinatutupad na programang pang-agrikultural. Sa katunayan, nagbigay ito ng ilang mga suhestyon upang lalong mapaigting ang mga programa ng Lunsod sa pagsasaka katulad na lang ng paglalagay ng mga TRAM LINE sa halip na konstruksyon ng mga kalsada ang isagawa. Malaki diumano ang maitutulong ng TRAM LINE lalo’t higit sa mga  magsasaka ng Brgy. San Cristobal upang mas mabilis na  maiangkat ang kanilang produkto sa ibang lugar. (CIO-San Pablo)

GSIS KIOSK NASA ONE-STOP PROCESSING CENTER NA MULI


San Pablo City- Sa adhikain nina Mayor Vicente Amante at City Admin. Loreto Amante na mailapit ang serbisyo ng GSIS partikular na sa mga empleyado ng pamahalaang local at nasyonal ay muli na namang inilagak ang Radio Frequency Indicator o RFI Kiosk ng GSIS sa One-Stop Processing Center.
Kaya ipinababatid ng punonglunsod na operational na ang GSIS Kiosk kung saan malaking kaluwagan ito sa lahat ng gov’t employee hindi lamang ng lunsod kundi maging sa mga kawani ng karatig bayan para sa information at update ng kanilang service record at loan record. Ito ay malaking tulong rin sa processing ng mga loan applications at  annual renewal ng mga pensioner.
Ang GSIS Kiosk sa Lunsod ng San Pablo ay pangatlo sa buong Laguna. Ang una ay inilagay sa UP Los Baños, sumunod sa Sta. Cruz Prov’l Capitol at Sta. Rosa. (CIO-SPC)

KABALIKAT SA KABUHAYAN OF SM FOUNDATION INC., LAUNCHED

San Pablo City- To empower farmers on training for commercial vegetables and short-term fruits production, SM Foundation Inc. in cooperation with Dept. of Agriculture and City Agriculturist Office, launched Kabalikat sa Kabuhayan last July 11 at San Rafael Covered Court.

            The season-long training from land preparation to sowing then harvesting benefitted 119 farmers from 19 barangays of San Pablo City and from municipalities of Bay, Nagcarlan and Binan. Trainees were divided into four groups and each tilled 16 plots planted with the assigned crops.

            The training have 11 sessions of technical briefing and hands-on field training which started last August 10 at the site training at Cardil Village, Brgy. del Remedio.

            Harbest Agribusiness Corp. provided the improved and double agricultural technology while the CAO as the implementing office provided the training, venue and the facilitator.

            According to City Agriculturist Alex Dionglay the graduation ceremony will be this coming September at SM City San Pablo. (CIO-SPC)

Friday, August 12, 2011

MAYOR VICENTE AMANTE RECEIVED A SPECIAL AWARD DURING THE BJMP REG. IV-A 20TH ANNIVERSARY CELEBRATION

San Pablo City- Mayor Vicente Amante was cited as one of the special awardees during the 20th Anniversary of the Bureau of Jail Management & Penology Reg. IV-A last August 8, 2011 at the Sulo Riviera Hotel & Resort, Lucena City. The CIO Staffs as the representative of the city mayor received the Plaque of Appreciation awarded by J/CSupt Serafin P. Barreto, Jr., BJMP Reg’l Director and J/Dir Rosendo M. Dial, Chief BJMP during the ceremony.

            Mayor Amante was awarded through his invaluable and continous support to BJMP IV-A by constructing an additional isolation cell to the SPC District Jail. The city mayor also supports the other projects of the city’s jail like medical and dental services,  Alternative Learning System, spiritual and values formation activities, sports events, beautification and cleanliness and livelihood programs.

            The other local chief executive given special awards were Mayor Anthony Genuino, Los Banos, Laguna; Mayor Luis Alandy Ferrer IV, Gen. Trias, Cavite; Mayor Barbara Ruby Talaga, Lucena City, Quezon and Mayor Ramon Ilagan, Cainta, Rizal. The award further states that the special awardees’ support and assistance enable the bureau to realize its mission of providing a more humane and efficient safekeeping of inmates in the whole region.

            Other major awards were Best District Jail-Quezon DJ; Best City Jail-Batangas CJ; Best Municipal Jail-Imus MJ; Best TC Implementer-Gen. Trias MJ and Most Improving Jail-Teresa DJ. Individual and other special awards were also given to jail officers personnel during the program.

            Director Dial serves as the guest honor and speaker to this year’s celebration with the theme “Dalawang Dekadang Masigasig na Pagtugon sa Hamon ng Penolohiya”.(CIO-SPC)