San Pablo City- May 350 aplikante sa pagkuha ng tricycle franchise at traffic violators ang sumailalim sa isang araw na seminar-workshop ukol sa standard road rules and regulations nuong Abril 9 na ginanap sa One Stop Center. Ito ay batay na rin sa ipinasang Board Resolution ng City Traffic Management Board nuong Marso 31, 2011 at Ord. 2011-01 o Revised Comprehensive Traffic Code of the City of San Pablo.
Pinangunahan nina Atty. Mia M. Quijano, Acting City Legal Officer at ng City Information Office, ang pagpapaliwanag ng mga basic rules and regulations at batas ukol sa trapiko. Binigyan rin ang mga participants ng isang written examination para sa assessment kung sila ay mayroon ng kaalaman sa isinasaad ng batas trapiko at kung may natutunan sa isinagawang seminar.
Ayon kay Atty. Quijano isasagawa muli ang seminar para sa iba pang franchise applicants at traffic violators sa April 16 at April 30 mula 8:00 n.u. -12:00 n.h. Para naman sa lahat ng traffic enforcers ay sa April 16 mula 2:00-5:00 n.h. Ang skedyul naman sa Barangay Auxillary Brigade ay April 30 (Barangays I-A-VII-E), 2:00-5:00 n.h.; May 14 (Bracket “A” brgys.); May 21 (Bracket “B” brgys.) at May 28 (Bracket “C” brgys.) mula 8:00 a.m. hanggang 12:00 n.h.
Ang nasabing seminar ay isang ring requirement para sa pagbibigay ng prankisa at para sa mga itatalagang traffic enforcers at barangay auxillary brigade. Ito ay sa pakikipagtulungan rin ng SPC-PNP, LTO at City Traffic Management Office. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment