Powered By Blogger

Wednesday, April 6, 2011

BIGKIS KABALIKAT NG PAMAHALAANG LUNSOD– CITY ADMIN. LORETO AMANTE

San Pablo City – Malaki ang naging pasasalamat ni City Administrator Loreto “Amben” S. Amante sa grupong BIGKIS na pinamumunuan ng Presidente nitong si G. Randy de Luna. Ayon sa Administrador noong nakaraang  Lunes sa isinagawang lingguhang pagtataas ng watawat sa One Stop Processing Center , hindi maitatatwa na ang BIGKIS bilang isa sa mga tumatayong kabalikat ng pamahalaang lokal ay malaki ang naitutulong upang matagumpay na maisakatuparan ang ilan sa mga pangunahing programang ipinapatupad ng administrasyon ni Mayor Vicente B. Amante tulad ng traffic management, peace & order, sanitation at tourism development.  Kung kaya’t malaki ang kanilang pasasalamat sa mga ito sa walang sawa nitong pagtulong at pag-alalay.

            Samantala, naghandog naman ang grupong BIGKIS ng iba’t ibang street signage sa lokal na pamahalaan na buong puso namang tinanggap ni City Admin. Amben. Ang mga naturang signages ay ilalagay sa iba’t ibang lugar sa Lunsod na nangangailangan ng mga kaukulang palatandaan, wastong direksyon at instruksyon sa kapakinabangan ng mga motorista. (CIO-San Pablo)

No comments:

Post a Comment