San Pablo City- Nagsimula na nuong Abril 5 bilang District Jail Warden ng San Pablo City District Jail si C/Insp Jose Gemelo C. Taol bilang kapalit ni dating Jail Warden, J/SInsp Arvin T. Abastillas na sa kasalukuyan ay nasa Imus, Cavite Municipal Jail.
Sa panayam kay Warden Taol sa turn-over ceremony nuong Abril 5, na kanyang ipagpapatuloy ang mga magagandang programang nasimulan ni J/SInsp Abastillas. Kung hindi man daw niya malampasan ay mapantayan man lang niya ang mga proyektong naipatupad sa SPCDJ ng datingWarden. Pangunahin niyang isasagawa ang pagpapagawa ng additional cell para sa mga bilanggo at lalo pang palalaguin ang livelihood projects ng mga inmates para sa paper weaving at accessory (beads) making.
Si C/Insp Taol ay nagtapos sa kolehiyo ng BS Criminology sa Divine Word University at Post-Graduate na BS Public Safety sa Philippine National Police Academy at Master in Management Major in Public Admin. sa Philippine Christian University.
Sa pagiging jail warden sa loob ng pitong (7) taon ay marami ng karangalan ang kanyang natanggap. Isa na ito ang pagiging City Jail and Warden of the Year 2009 ng BJMPRO -4A nuong siya ay nasa Santa Rosa City, Laguna simula May 2008 – April 20011. Nagsimula siyang jail warden sa Cardona, Rizal nuong June 2004 – Feb. 2006 pagkatapos ay sa Teresa, Rizal nuong Feb. 2006 – May 2008.
Isinilang si C/Insp Tao sa Alangalang, Leyte at ang kanyang maybahay na si Gng. Ulyzil Bondoc Taol ay isa ring jail officer. Mayroon silang apat (4) na anak at kasalukuyang naninirahan sa Carmona, Cavite. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment