Powered By Blogger

Thursday, March 10, 2011

PAGTATAAS NG TAX REVENUE COLLECTION PANGUNAHING TINALAKAY SA EN BANC HEARING


San Pablo City – Nagsagawa sa unang pagkakataon ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni  Vice Mayor Angie E. Yang kasama ang ilan sa mga pinuno ng iba’t-ibang departamento ng En Banc Committee Hearing noong nakaraang Martes, March 8 matapos ang weekly session.

Pangunahing layunin ng isinagawang  En Banc hearing ang pagsasaayos at pagpapalakas ng tax revenue ng Lunsod sa ikagaganda ng mga pangunahing serbisyo na pinagkakaloob ni Mayor Vicente B. Amante. Isa-isang hiningan ng report ang lahat ng mga pinuno ng departamento na tinuturing na “economic enterprise” ng Lunsod upang mabigyang linaw ang nagiging kontribusyon ng mga ito sa taunang badyet ng Lunsod.

Isa sa mahalagang napagkasunduan ng komitiba ay ang agarang pagsusumite ng mga pinuno ng mga departamento ng written report gayundin ng kanilang mga rekomendasyon  upang lalo pang mapalakas ang tax collection ng Lunsod sa Chairman ng Committee on Ways and Means na si Konsehal Eduardo Dizon. Malakas ang kumpiyansa ng mga miyembro ng SP na sa pamamagitan  ng mga isusumiteng rekomendasyon ay makakabuo sila ng mga angkop plano para sa mamamayan ng Lunsod sa pamamagitan ng isang   responsive and quality legislations.

Ikinatuwa naman ni Mayor Vicente B. Amante ang inisyatibo ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod na matulungan ang ehekutibong sangay na mapayabong ang mga serbisyong ibinibigay sa mamamayan ng Lunsod. Ayon rito maganda rin na makita ng taumbayan na may transparency upang mapanatili ang tiwala ng mga ito sa local na pamahalaan. (CIO-San Pablo)

No comments:

Post a Comment