Powered By Blogger

Thursday, March 3, 2011

CITY INFORMATION OFFICE NAG-ULAT NG ACCOMPLISHMENTS

San Pablo City- Panamunuan ni City Information Officer Leonides Abril, Jr. ang pag-uulat ng naging accomplishments ng CIO nuong nakaraang taon. Lahat ng kawani ng tanggapan ay dumalo sa pag-uulat kung saan sila  ang naghost ng  Pagtataas ng Watawat nung Pebrero 28 sa One Stop Center.

Ilan sa mga naisagawa ng CIO ay 234 press releases at 80 photo releases na isinusumite sa iba’t-ibang local newspapers para sa mai-publish. Ang tanggapan din ang nag-oorganize at nag-cocordinate ng mga observances at activities ng Pamahalaang Lunsod at dumadalo sa lahat ng regular at special sessions ng Sangguniang Panlunsod. Sila rin ang gumagawa ng lahat ng speeches at messages nina Mayor Vicente Amante at City Admin. Loreto Amante.

City Info. Office rin ang gumawa ng documentation para sa 2010 Search for the Best Tourism Event in the Philippines sa pakikipagtulungan ng Tourism Affairs Unit. Kung saan nagwagi ang lunsod sa nasabing kompetisyon. Sa pakikiisa rin ng Admin. at Tourism Offices ay nakapag-produced ng 1st Christmas MTV at launching ng 1st Christmas Lighting Ceremony ng lunsod.

Dagdag pa ni G. Abril na sa kasalukuyan ay ginagamit na rin ng tanggapan ang Facebook, Youtube at mayroon na ring Blogspot upang lalo pang mapalawak ang paghahatid ng impormasyon sa lahat ng taga-lunsod.

Ang Barangay Affairs Unit naman na isa sa division ng CIO ay siyang namahala sa paggagawa at issuance ng oaths of office at appointments ng lahat ng barangay officials. Samantalang ang Barangay Communication Control ay patuloy sa mga announcements ng lahat ng activities at programs ng pamahalaang lunsod, barangay officials at assistance sa iba’t-ibang pangyayari o kaganapan sa lunsod.

Sa pagtatapos naman ay lubos na pinasalamatan ni CIO Abril sina Mayor Amante at City Admin. at lahat ng pinuno ng mga departamento ng lokal na pamahalaan sa patuloy na suporta at tulong na ibinibigay sa tanggapan upang magampanan ng mahusay ang mga programa ng tanggapan. Pinasalamatan rin niya ang lahat ng local media partikular na ang mga miyembro ng Seven Lakes Media Organization sa pamumuno ni Pangulo Nani Cortez. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment