Powered By Blogger

Thursday, March 10, 2011

PAGSAILALIM SA ISANG MOA ON SCHOLARSHIP GRANTS NG DLSP HINILING NI MAYOR AMANTE SA SANGGUNIANG PANGLUNSOD

San Pablo City –Isinumite ng Tanggapan ng Punonglunsod sa Tanggapan ng Pangalawang Punonglunsod ang kahilingan ni Mayor Vicente B. Amante na sumailalim sa  isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo na ini-represent ng Punonglunsod bilang tumatayong College President at Chairman of the Board  nito at ang BROADCHEM Corp. na represented naman ng Presidente at CEO nito na mag-asawang sina G. Jose C. Reano at Ma. Socorro G. Reano.

            Nakapaloob sa naturang MOA ang scholarship grants na kumakatumbas sa semestral enrolment expenses kabilang na dito ang tuition fee at miscellaneous expenses  para sa 20 estudyante ng naturang paaralan. Pagkakalooban rin ang kada mapipiling mag-aaral ng monthly allowance kasama na rito ang books expenses at living allowance para sa naturang taon.

            Ikinatuwa naman ni Mayor Vicente B. Amante ang pagbahagi ng tulong ng mag-asawang Reano ng biyaya sa 20 deserving na mga kabataang San Pableno. Ayon rito sa pamamagitan ng naturang scholarship grant ay matutulungan na rin ang mga ito upang maging isang produktibong mamamayan na siya namang makakatulong upang maiangat ang antas ng ekonomiya hindi lamang ng Lunsod kundi maging ng bansa.

Sa huli’y buong pagmamalaking sinabi ng Punonglunsod na ang mga mag-aaral ng DLSP sa pamamatnubay ng mga guro rito ay matamang hinahasa sa iba’t ibang larangan tulad ng Sciences. Katunayan ay madalas ang mga itong mag-uwi ng karangalan sa Lunsod tuwinang pinapadala ang mga ito upang maging representative ng siyudad sa mga kompetisyon mapa-probinsya man ito, lokal o nasyunal. (CIO-San Pablo)

PAGTATAAS NG TAX REVENUE COLLECTION PANGUNAHING TINALAKAY SA EN BANC HEARING

San Pablo City – Nagsagawa sa unang pagkakataon ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni  Vice Mayor Angie E. Yang kasama ang ilan sa mga pinuno ng iba’t-ibang departamento ng En Banc Committee Hearing noong nakaraang Martes, March 8 matapos ang weekly session.

Pangunahing layunin ng isinagawang  En Banc hearing ang pagsasaayos at pagpapalakas ng tax revenue ng Lunsod sa ikagaganda ng mga pangunahing serbisyo na pinagkakaloob ni Mayor Vicente B. Amante. Isa-isang hiningan ng report ang lahat ng mga pinuno ng departamento na tinuturing na “economic enterprise” ng Lunsod upang mabigyang linaw ang nagiging kontribusyon ng mga ito sa taunang badyet ng Lunsod.

Isa sa mahalagang napagkasunduan ng komitiba ay ang agarang pagsusumite ng mga pinuno ng mga departamento ng written report gayundin ng kanilang mga rekomendasyon  upang lalo pang mapalakas ang tax collection ng Lunsod sa Chairman ng Committee on Ways and Means na si Konsehal Eduardo Dizon. Malakas ang kumpiyansa ng mga miyembro ng SP na sa pamamagitan  ng mga isusumiteng rekomendasyon ay makakabuo sila ng mga angkop plano para sa mamamayan ng Lunsod sa pamamagitan ng isang   responsive and quality legislations.

Ikinatuwa naman ni Mayor Vicente B. Amante ang inisyatibo ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod na matulungan ang ehekutibong sangay na mapayabong ang mga serbisyong ibinibigay sa mamamayan ng Lunsod. Ayon rito maganda rin na makita ng taumbayan na may transparency upang mapanatili ang tiwala ng mga ito sa local na pamahalaan. (CIO-San Pablo)

ORDINANSA NA NAGBABAWAL SA MGA “TRADITIONAL HILOT” NA MAGPAANAK NAIPASA

San Pablo City – Naipasa ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pangunguna ni Vice mayor Angie E. Yang matapos ang matamang pag-aaral at palitan ng matitinding debate ang ordinansang akda at isinulong ni Konsehal Rondel Diaz na may titulong “An Ordinance Prohibiting Traditional Birth Attendants (Hilots) to Attend Home Deliveries and Regulating their Practices on Maternal, Neonatal and Child Health And Nutrition Program (MNCHN) of The City Of San Pablo” noong March 1 sa ika- 35 Regular Session ng mga ito.

            Ang naturang ordinansa ay base sa mungkahi at kahilingan ni City Health Officer Dr. Job D. Brion na may pangunahing layunin na maprotektahan at mapangalagaan ng wasto ang lahat ng mga buntis gayundin ang mga dinadala nitong sanggol laban sa mga hindi lisensyadong magpapaanak na madalas nagbubunga ng kumplikasyon o di kaya’y kamatayan.

            Pinagpasalamat naman ni Dr. Brion na agad nabigyan ng pansin ng bagong pamunuan ng Sangguninang Panglunsod ang kanilang matagal tagal na ring isinusulong na panukala ukol sa isang komprehensibong proseso ng pagpapaanak dito sa Lunsod. Ang naturang Ordinansa ay siya ring susuporta sa programang “Oplan Hanap Buntis” na inilunsad ng kanilang tanggapan na siyang nagsasaayos ng maternal health system sa Lunsod.

Malaki naman ang paniniwala ng mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod na sa pamamagitan ng bagong naipasa nilang ordinansa ay mababawasan ang maternal mortality rate ng Lunsod at lalong mapapangalagaan ang kalusugan ng mga ito gayundin ng kanilang mga supling.

Agad naman pinarating nina Mayor Vicente B. Amante at City Administrator Loreto “Amben” S. Amante ang kanilang pasasalamat sa mga miyembro ng SP sa suportang ibinibigay ng mga ito sa mga inilulunsad ng ehekutibong sangay na mga programang pangkalusugan. Ayon kay City Admin. Amben malaking bagay ang naipasang ordinansa upang ganap na mabigyan ng proteksyon ang lahat ng mga buntis na siyang nagdadala ng mga bagong pag-asa para sa Lunsod ng San Pablo. (CIO-San Pablo)

FIRE PREVENTION MONTH CELEBRATED IN SAN PABLO CITY

San Pablo City- The Bureau of Fire Protection San Pablo City Fire Station headed by Acting City Fire Marshal, Insp. Cornelio L. Puhawan celebrated the regionwide Fire Prevention Month with a Kick-off Ceremony at Lucena City, Quezon last March 1.

Citywide they celebrated the month long activities with a motorcade last March 2 participated by volunteer fire brigades and different non-governmental organizations. And on March 8 they conducted a Seminar on Fire Safety and Prevention at SM City San Pablo.

As part of the celebration they will also conduct another Fire Safety Seminar at the Dept. of Justice-SPC. Other activities include posting of streamers, information dissemination on Fire Safety Awareness, fire safety inspection within area of responsibility and fire station visit of students from different schools in the city.

They also host the weekly Flag Ceremony at the City Hall last March 6.  City Administrator  Loreto “Amben” S. Amante in his message commends the city fire marshal and its employees for their dedication and commitment. Even though they lack the manpower and equipment they can still respond immediately in any fire incidence or other related disasters. (CIO-SPC)

NATURUKANG ASO NG ANTI-RABIES NG CITY VETERINARY OFFICE UMABOT NA SA 1,603

San Pablo City- Mula Pebrero hanggang Marso 8 ay mayroon ng 1,603 aso sa iba’t-ibang barangay ng Lunsod ng San Pablo ang nabigyan ng libreng bakuna laban sa rabies. Ayon kay City Veterinarian Farah Jayne Orsolino puspusan ang kanilang kampanya laban sa nakakamatay na rabies sa tulong na rin ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Job Brion. Dagdag pa ni Dra. Orsolino na ito ay hindi dapat ipagwalang bahala sapagkat ito ay lubhang mapanganib.

Kaya patuloy ang  City Veterinary Office sa kanilang kampanya laban sa rabies. Pangunahin na nga dito ang pagbibigay ng free vaccination sa mga aso sa iba’t-ibang barangay. Para sa libreng bakuna ay nakikipag-ugnayan ang mga Barangay Chairman upang ang kanilang barangay ay ma-iskedyul at mapuntahan ng mga tauhan ng City Veterinary Office.

Noong Pebrero ay may 1,342 aso ang kanilang nabakunahan sa Barangays Del Remedio, Bagong Bayan, Sto. Cristo, Sta.  Maria Magdalena, Sto. Angel, San Crispin, II-B at ang iba naman ay walk-in. Mula Marso 1-8 naman ay nakapagbakuna sila ng 261 aso mula sa Barangays Del Remedio, IV-A, Sta. Filomena at III-C. Ang iba pang barangay na naka-iskedyul ay ang Dolores (Mar. 9), IV-B (Mar. 11), San Gabriel (Mar. 15), San Ignacio (Mar. 16-18), San Isidro (Mar. 22) at V-A (Mar. 23).

Ayon pa rin kay Dra. Orsolino ang proyektong ito ay kaugnay na rin ng paggunita  ng Rabies Awareness Month ngayong Marso. Kasabay na rin sa pagbabakuna ng aso ang deworming ng mga baka, kalabaw at kambing. Nananawagan rin siya sa iba pang Barangay Chairman na magtungo lamang sa kanilang tanggapan para sa kaukulang iskedyul ng libreng bakuna sa kanilang barangay. (CIO-SPC)

Wednesday, March 9, 2011