San Pablo City- Sumailalim sa four days basic training on baking at meat processing and preservation ang mga inmates ng San Pablo City District Jail nuong Mayo 17-20, 2011 ay sa pamumuno ni J/CINSP Jose Gemelo C Taol (District Jail Warden-Male Dorm), JINSP Marvi A Diaz (District Jail Wardress-Female Dorm) at SJO4 Liza I Valentiono(IWDO) at sa pakikipagtulungan nina City Administrator Amben Amante at Vice-Mayor Angie Yang.
Ang seminar-training ng Meat Processing ay tinuruan ang mga inmates ng paggawa ng skinless longganisa, pork sausage, tocino at tapa. Samantalang sa baking naman ay natuto silang gumawa ng spanish bread, pandesal, pizza dough at molo wrapper.
Nagsilbing trainor sina Gng. Jin Alcantara para sa meat processing at baking at si G. Ruben de los Santos para sa meat processing.
Layunin ng SPCDJ na maturuan at sanayin ang mga inmates para sa kanilang dagdag kaalaman at pangkabuhayan sa loob ng piitan na magagamit rin sa muli nilang pagbalik sa ating komunidad. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment