Powered By Blogger

Sunday, June 5, 2011

CITY PLANNING AND DEVELOPMENT OFFICE NAG-ULAT NG ACCOMPLISHMENTS

San Pablo City – Pinuri at pinasalamatan ni City Administrator Loreto “Amben” S. Amante ang  City Planning & Development Office sa pamumuno ni G. Rolly Bombio noong nakaraang Lunes, May 30 sa pagsasagawa ng Flag Raising Ceremony sa One Stop Processing Center na pinamunuan ng nabanggit na departamento.
            Aminado si City Admin. Amben na ang CPDO ay ang lagging katuwang ng  pamunuan ni Mayor Vicente B. Amante sa pagbalangkas ng  master development plan para sa Lunsod.  Kasama na rito ang pagsasaayos ng mga nararapat, napapanahon at kapaki-pakinabang  na mga  proyekto na maaring isama sa 20% development fund.

            Iniulat rin ng naturang tanggapan sa pamamagitan ni Gng. Lorna Alcantara, Proj. Dev’t Officer IV, na matagumpay silang nakapagbigay ng assistance at nakapagmonitor sa pagsasagawa ng mga proyekto.  Gayundin ang pagsasaayos ng mga prosesong nakapaloob rito sa pamamgitan ng mga isinumiteng Financial Report sa 20% Development Projects.

Isa rin sa mahalagang ginampanan ng naturang tanggapan ay ang economic development, at zoning at land use regulation ng Lunsod. Buong pagmamalaki ring nabanggit ni Gng.  Alcantara na para sa taong 2010 sang-ayon sa ratings na ipinagkaloob ng Department of Interior and Local Government sa performance ng lunsod sa 6 na area kung saan ay nakapaloob ang Local Legislation, Development Planning, Revenue Generation, Resource Allocation and Utilization, Customer Service and Human Resource Management & Development ay   Above Average ang nakuhang ratings ng Lunsod na lalo namang ikinagalak ni City Admin. Amben. (CIO-San Pablo)

No comments:

Post a Comment