Powered By Blogger

Sunday, June 5, 2011

82 MAG-AARAL NAGTAPOS SA PROGRAMANG “LIBRENG EDUKASYON TUNGO SA MAKABULUHANG BAKASYON” NINA VM ANGIE YANG AT CITY ADMIN. AMBEN AMANTE


San Pablo City- Nabigyan ng libreng pag-aaral ang may 82 estudyante mula kinder hanggang Grade VI ng Barangays I-B at Bagong Bayan mula Mayo 3-27 sa ilalim ng programang “Libreng Edukasyon tungo sa Makabuluhang Bakasyon nina Vice-Mayor Angie Yang sa pakikipagtulungan ni City Admin. Amben Amante.

            Ang mga estudyante na sumailalim sa nasabing summer class ay tinuruan ng basic English, Science at Math. Nagsilbing mga guro dito ang mga college students mula sa Special Program for the Employment of Students o SPES na summer job program naman ng PESO Office sa pamumuno ni City Admin. at ng City Social Welfare Dev’t Office sa pamumuno ni Social Welfare Officer Grace Adap. Naging mga teacher/facilitator din sina Daryl Ann Yang at Rushell Aiko Jimenez.
           
            Ang summer class program ay matagumpay ring naisagawa sa pakikipagtulungan nina Barangay Chairmen Buhay Espiritu ng Bagong Bayan at Ricardo San Diego ng Brgy. I-B at ng DepEd.

            Samantalang isinagawa naman ang Araw ng Pagtatapos nuong Mayo 27 na ginanap sa San Roque Elem. School kung saan binigyang pagkilala ang mga outstanding students na Best in English, Science, Match at Conduct.

            Layunin ng programang ito na mabigyan ng free summer class ang mga mag-aaral na magsisilbing kanilang paghahanda sa darating na pasukan ngayong Hunyo. At ito rin ay isa sa mga proyekto  ng butihing vice-mayor sa ilalim ng kanyang programang “Pantay na Paglingap sa Bawat Mamamayan”. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment