San Pablo City – Buong pagkakaisang ipinasa ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pangunguna ni Vice Mayor Angie Yang ang isang resolusyong ng pagbati sa San Pablo City Federation of Women’s Club, Laguna Chapter sa pangunguna ni Gng. Eva Ticzon noong nakaraang Martes, May 24 sa pagsasagawa ng ika-47 regular sesyon.
Kinilala ang inisyatibo ng naturang Pederasyon sa pagpaplano at implementasyon ng mga gawain, at proyekto mula Hunyo 2010 hanggang Mayo 2011 kung saan ay nakatugon sa mga adhikain ang Pederasyon na makagawa ng kaibahan at pagbabago sa buhay ng mga kababaihan at kabataan na tungkol sa kalusugan, ekonomiya, akademiko at kalagayan sa lipunan.
Ang Certification of Achievement ay iginawad sa SPCFWCL ng National Federation of Women’s Club of the Philippines noong nakaraang May 21, 2011 sa taunang pagpupulong na isinagawa sa Lingayen, Pangasinan. (CIO-San Pablo)
No comments:
Post a Comment