Powered By Blogger

Sunday, June 5, 2011

6th TILAPIA FESTIVAL, TAGUMPAY MULI!


San Pablo City-Sa pangunguna Seven Lakes Fisheries & Aquatic Resources Management Council sa (SLFARMC) sa pamumuno ni G. Edison Jaramillo, SLFARMC President at sa pakikipagtulungan nina Mayor Vicente Amante, City Admin. Loreto Amante at ng City Tourism Office, ay tagumpay na muling naisagawa ang 6th Tilapia Festival noong Mayo 31, 2011 na ginanap sa Sampalok Lake.

            Ang simpleng programa ng Tilapia Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fisherfolk’s Month tuwing buwan ng Mayo ay pinangunahan  ng mga opisyales at miyembro ng SLFARMC at ni City Admin. Amben Amante, ay dinaluhan rin nina BM Angelica Jones; LLDA representatives G. Cris Muan at G. Diego Reyes; Governor’s representatives G. Steve Bumbay at G. Boyet Buiser at Coun. Arnel Ticzon.

            Pagkatapos ng umagang programa ay isinagawa ang lake seeding ng may 30,000 tilapia fingerlings mula sa LLDA at Gov’s Office. Nagkaroon din ng Salo-salong Bayan kung saan lahat ng mga dumalo ay binigyan ng binalot sa dahon na may kasamang pritong tilapia.

            Isa sa mga highlights ng Tilapia Festival ang iba’t-ibang palaro na sinalihan ng mga mangisngisda ng Pitong Lawa. Ang mga nag-Champion sa Balsa Regatta ay Muhikap Lake (men’s at double’s division) at Pandin Lake (women’s division); sa 4k relay race naman ay Kalibato Lake; Tug-of-War ay Muhikap Lake.

            Sa Tilapia Cookfest naman ay first place ang “Crispy Tilapia” ng Muhikap Lake; 2nd place ang “Lumpiang Tilapia” ng Kalibato Lake at 3rd Place ang “Sizzling Tilapia” ng Sampalok Lake.

            Ganap namang ika-3:00 ng hapon ay isinagawa ang patimpalak na Diwata ng Pitong Lawa sa Pamana Covered Court kung saan naging emcee si Coun. Gali Galicia. Itinanghal na Diwata ng Pitong Lawa si Lara May Landingin ng Sampalok Lake; 1st runner-up si Maria Cecilia Montiero ng Kalibato Lake at 2nd runner-up si Danica May Medrano ng Yambo Lake. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment