San Pablo City- Bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga OFW’s sa community development ay isinagawa ng ATIKHA sa pakikipagtulungan ng Provincial PESO at ng Pamahalaang Lunsod ang OFW Family Day Celebration nuong Dec. 17 na ginanap sa SPC Women & OFW Center bilang pagdiriwang na rin ng OFW Month ngayong Disyembre.
Humigit kumulang sa 500 OFW’s at kani-kanilang pamilya mula sa iba’t-ibang bayan at munisipalidad ng Laguna ang dumalo sa nasabing isang araw na selebrasyon. Iba’-ibang activities ang isinagawa ng ATIKHA sa pamumuno ni Gng. Mai Dizon-Anonuevo, Exec. Director. Nabigyan ng orientation at kaalaman ang mga OFW’s sa iba’t-ibang seminar ukol sa financial literacy at business and investment opportunity. Sa mga kabataan naman ay value formation on savings and environment consciousness at arts and crafts. Nagkaroon rin ng family and individual, business/financial at reintegration counseling.
Nagtayo rin ng mga information at exhibit booths sa mga serbisyo at programa ng SSS, Pag-ibig Fund, Philhealth, OWWA at Soro-soro Ibaba Dev’t Coop. At organic market booth para sa Coco Natur Social Enterprise, Ato Belen Organic Products, Forestwood, Susi Foundation at Rx Spa at iba pang participating enterprises. (CIO-SPC)
No comments:
Post a Comment